ELECTION OFFICER NG PALANAN, ISABELA, SINISIGURONG LIGTAS SA PAGKASIRA ANG MGA DOKUMENTO LABAN SA BANTA NG BAGYONG EGAY

ELECTION OFFICER NG PALANAN, ISABELA, SINISIGURONG LIGTAS SA PAGKASIRA ANG MGA DOKUMENTO LABAN SA BANTA NG BAGYONG EGAY

(Top left photo) Itinuturo ni Palanan Election Officer Janet B. Telan ang mga dokumento at computers na tinakpan ng Tarpauline upang masigurong ligtas sa bagyong “Egay” kasama ang Kanyang Election Assistant na si Diana Rose Cordez (Below Photo) at ang dalawang OJT na mga estudyante. Kuha ni: Janet Telan

SAN MATEO, Isabela – Bago umuwi ay binalot muna ng mga empleyado ng Commission on Elections o COMELEC sa Palanan, Isabela ng tarpauline ang mga kompyuter at mahahalagang dokumento upang masiguro na ligtas ang mga ito sa pagkasira kung sakaling lumakas ang ulan at hangin sa nasabing lugar. 

Ayon sa panayam ng Filipino News Sentinel kay Ms. Janet B. Telan, election officer, may karanasan sila noong nakaraan na sinira ng malakas na hangin na may dalang ulan ang ilan sa kanilang mga dokumento sa opisina kaya’t bago sila umuwi ngayong araw, Hulyo 25, naniguro silang hindi na mauulit ang nasabing pangyayari.

Kanya ring sinabi na handa na ang kanilang opisina sa nalalapit na Barangay at SK election. Aniya, kumpleto na rin ang printed Election Day Computerize Voter’s List o EDVCL para sa Regular at SK Election.

Dagdag pa ni Telan, natuloy ang beripikasyon at sertipikasyon ng Precinct Certified Voter’s List at EDVCL kahapon kahit pa nagbabanta na ang bagyong Egay.

Ang bayan ng Palanan ay isa sa apat na coastal town ng Isabela. Mayroon itong 12,954 regular na botante at 5,528 botante ng SK.

Ayon sa PAGASA, nakataas sa Signal No. 3 ang bayan ng Palanan ngayong araw.# Mae Barangan

Mae Barangan