Drug Den sa Baguio natimbog, 7 katao arestado, 66 sachets ng shabu nasamsam

Drug Den sa Baguio natimbog, 7 katao arestado, 66 sachets ng shabu nasamsam

Tumambad sa operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency at Baguio City Police Office ang Drug Den na ito gabi ng Sabado sa Purok Ongasan Loakan Proper, Baguio City.

Ayon sa mga otoridad, nagsagawa sila ng buy-bust operation at nakabili ang poseur buyer sa loob ng apartment na ito. Naabutan nila ang ilang kalalakihang nagpa pot session sa isang silid at ang iba naman ay nag iinuman.

Sa pagpasok pa lang sa inuupahang bahay ay makikita na ang mga nagkalat na illegal na droga saisang gilid at ng binuksan ang pakete ng sigarilyo ay dito na tumambad ang napakaraming paket ng hinihinalang shabu na may katabi pang isang pakete ng dried marijuana leaves.

Ayon sa pagsisiyasat ng mga otoridad, mga residente rin ang nagsumbong sa kahina-hinalang kilos ng mga lalaking โ€œDayoโ€ sa lugar, agad naming nagsagawa ng surveillance ang PDEA at nagkasa ng operasyon matapos kumagat ang kanilang pain.

Lahat ng Pitong suspek ay hindi mga taga Baguio City, tauhan sila ng isang sub-contractor sa isang semiconductor company sa lungsod kung saan panggabi umano ang kanilang trabaho, apat sa mga ito ay may dati ng mga kaso ng illegal na droga sa kani-kanilang lugar.

Kinilala ng mga otorida ang mga suspek na sina Laren Lipata, mula Olongapo City na siyang umuupa sa apartment at maintener ng Drug Den, Rolando Natividad, Kevin Francis at Romer Tulipa mula Cavite, Ronie Celestino at Lucio Cabaros mula Las Piรฑas at Richard Vibar mula Quezon City.

Umabot sa 66 sachets ng hinihinalang shabu ang nasamsam na may estimated weight na mahigit 10 grams na nagkakahalaga ng mahigit P70,000.00 at isang 100 grams na marijuana na may halagang P12,000.00.

Haharap ang Pitong naaresto sa paglabag sa RA 9165 at kasalukuyang nakakulong sa PDEA Regional Office para sa dokumentasyon at paghahanda ng kasong isasampa sa kanila.

Tumanggi nang humarap sa camera ang mga suspek.ย  Kuha ni: Darius Bajo

PRESS RELEASE

Related articles