DOLE PAYOUT ON TUPAD OF BAYANIHAN 2.
BAGUIO CITY – (May 13, 2021) – Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantage/Displaced Workers (TUPAD) under the Bayanihan to Recover As One Act (BAYANIHAN 2) ay sinimulan na ang payout noong May 12 na ginanap sa Baguio Convention Center ang huling araw na payout sa May 14 (Friday) ay gaganapin sa Athletic Bowl.
Ayon kay DOLE Baguio-Benguet Head, Provincial Director Emerito A. Narag, “Ang pondo na ito ay nai-coursed through sa Department of Labor and Employment at galing sa tanggapan ni Baguio Congressman Mark Go para sa constituents. Ang programa ng TUPAD na regular program ng DOLE pero yun pera ay nanggagaling sa mga politicians natin, at itong payout natin ay mula kay Congressman Go.
“Ang TUPAD ay emergency temporary employment for marginalized sector in the sense na 15 days lang ito work sa community, barangay para sa beautification o kung saan may pinapagawa sa isang lugar na hindi hazardous sa manggagawa, kasama rin dito ang ilang senior citizens na fit to work sa 15 days ay half day lang ang kanilang trabaho at ang wages nila ay P350 daily minimum sa Cordillera, ginawang half day lang ang trabaho dahil sa Covid para hindi sila ma-expose sa labas,”
“Ang 15 days na work nila ay may P5,250 sa bawat isang manggagawa. Ang pondo na mula kay Go ay nasa P21 milyon kasama na ang PPE, (uniform, face mask, face shield, hand gloves at may group insurance rin).
“Nasa 3,800 workers ang kabuuan na manggagawa ang magagamit ng P21 milyon na pondo ng TUPAD para sa Bayanihan 2,”
“May panukalang isinumite uli sa kongreso si Congressman para sa Bayanihan 3, at hintayin na lang natin na ma aprobahan ito sa kongreso,” pagtatapos ni Narag. Mario Oclaman / FNS