Dalawang Araw ng Radikal na Historiograpiya sa PUP ngayong Hunyo 10 at 11
Inihahandog ng Tanggol Kasaysayan at Polyteknikong Unibersidad ng Pilipinas, PUP Center for Peace, Social Justice and Human Rights Studies at Center for Public Administration and Governance Studies ang dalawang araw na kumperensiya tungkol sa Radikal na Kasaysayan sa Pilipinas. Binubuo ng mga batikan at kilalang historyador kagaya ni Francis Gealogo, Oscar Campomanes, Ramon Guillermo, Michael Pante at Nancy Kimuell-Gabriel kasama sina Joi Barrios-Leblanc, Charlie Veric, Bonifacio Ilagan, Sarah Raymundo, Antonio Tinio, Roland Simbulan, David San Juan, Judy Taguiwalo at marami pang iba.
Ang dalawang araw na kumperensiya ay idaraos ngayong Hunyo 10 at 11 sa Bulwagang Bonifacio sa PUP Manila. Tampok ang pangunahing panayam ni Judy Taguiwalo ng Bagong Alyansang Makabayan at Unibersidad ng Pilipinas, “Revolutionary Movements and Filipino Women’s Emancipation: The Katipunan and the Communist Party of the Philippines” sa unang araw pagkatapos ng mensahe ng pangulo ng PUP Manuel Muhi.
Maraming parallel session inihanda ang Tanggol Kasaysayan kagaya ng Manggagawa at Magsasaka, Kilusang Masa sa mga Lokalidad, Relihiyon, Kultura at Radikalismo, Radikal na Pamamahayag, Pilipinong Nagkakaisa para sa Soberanya, Medisina at Kalusugan, Kasaysayang Intelektuwal at Kilusang Masa, Potograpiya, Dokumentaryo sa Radikal na Kasaysayan, Radikal na Kababaihan, Edukasyon sa Radikal na Kasaysayan, Ekonomiyang Pampulitika at Pandaigdigang Pagkakaisa at Kababaihan sa Radikal na Kasaysayan.
Pagkaraan ng pagsasara ng kumperensiya sa pamamagitan ng mensahe ng direktor ng PUP Research Institute for Human and Social Development si Nicolas Mallari ay magpapahayad si Francis Gealogo ng Tanggol Kasaysayan ng mga hinaharap at balakin sa pangalawang araw. Magkakaroon ng pulong ang Tanggol Kasaysayan Kabataan sa dulo ng dalawang araw na kumperensiya. ### (PR)