C,PNP PGEN ACORDA JR. binisita ang lalawigan ng Abra para tiyakin ang kapayapaan at kaayusan ng BSKE 2023
Personal na binisita ng Hepe ng Philippine National Police PGEN BENJAMIN C. ACORDA JR. ang lalawigan ng Abra ngayong araw ng Linggo (October 29, 2023)
Pinangasiwaan nito ang mga ground operations upang tiyakin ang kapayapaan at kaayusan sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) 2023 nitong Lunes, October 30.
Matapos ang ground operations at kanilang pagpupulong ay nagkaroon ng isang press conference na ginanap sa Gov. Andres Bermos Hall, Camp Col. Juan Villamor, Calaba, Bangued, Abra.
Pinangunahan ni COMELEC Chairman George Erwin M. Garcia at dinaluhan rin ng PRO-Cordillera Regional Director PBGEN DAVID K. PEREDO JR., Area Supervisor ng Abra Police Provincial Office (PPO) PCOL JAMES D. MANGILI at iba pang pangunahing opisyal ng PNP
Nakatuon ang usapin kaugnay sa huling deployment ng mga opisyal at personnel ng pulisya sa lalawigan ng Abra, sinagot rin ang mga update na insidente na may kaugnayan sa halalan, patuloy na mga hakbang pa rin ang paiiralin para sa seguridad at proteksyon ng mga boboto at maging ang mga kandidato sa barangay.
Nagtapos ang kumperensiya sa patnubay ng Punong PNP Arcoda Jr. nagpaabot ng mensahe at nag-utos sa pinuno ng mga tanggapan ng ABRA PPO na tiyakin ang kahandaan ng lahat ng tauhan, paigtingin ang mga hakbang sa seguridad at palaging unahin ang kaligtasan ng publiko at sa kanilang mga tauhan sa araw ng halalan nitong kinabukasan.
Hinikayat din niya ang puwersa ng pulisya na gawin ang kanilang mga tungkulin at responsibilidad nang buong propesyonalismo, kredibilidad, at walang kinikilingan. (Litrato kuha ng PRO COR-PIO)