CPNP AZURIN JR. graces the new RFU-COR modern building
Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet – (Pebrero 16, 2023) Pormal na pinasinayaan at pinangunahan ng Punong-PNP na si PGEN RODOLFO SANTOS AZURIN JR ang bagong itinayong apat na palapag na modernong gusali ng Regional Forensic Unit-Cordillera (RFU-COR).
Naunang isinagawa ang symbolic turn-over ng Regional Forensic Unit – COR.
Inendorso ni Engr. Khadaffy D. Tanggol ang simbolikong susi ng modernong gusali ng RFU-COR kay CPNP PGEN AZURIN at ipinasa kay PBGEN CONSTANCIO T. CHINAYOG JR. Director ng Forensic Group.
Isinunod ang paglalahad ng commemorative markers at ribbon cutting na tinulungan nina PBGEN MAFELINO A. BAZAR – RD, PRO COR, PBGEN CONSTANCIO T. CHINAYOG JR. – Direktor, Forensic Group, Benguet Provincial Governor Melchor D. Diclas, Benguet Congressman Eric G. Yap na kinatawanan ni Congressional Staff Ms. Jirah Yang Siddayao, Engr. Khadaffy D. Tanggol – RD, DPWH at REV FR. (PMAJ) ALEXANDER V. PARDO na namuno sa pagbabasbas sa gusali ng Regional Forensic Unit – Cordillera.
Sa mensahe ni CPNP PGEN AZURIN ay nagpahayag ito ng kanyang pasasalamat sa mga tauhan na naging instrumento sa matagumpay na pagsasakatuparan ng gusali ng RFU dahil ito ay magbibigay ng mas malaki at mas magandang working space para sa mga forensic examiners at karagdagang logistical resources, at pagpapahusay ng iba’t ibang forensic facility.
“I am very grateful for the full support of the other agencies especially in the construction of the newly-built crime laboratory office, as it is a well-equipped work area that will serve as a new facility to process and store pieces of evidence collected from the different crime scenes in the region.” ani PGEN AZURIN JR.
Ang bagong gusali ay magbibigay ng mas magandang lugar ng trabaho para sa Regional Forensic Unit-Cordillera (RFU-COR) lalo na kapag nagsasagawa sila ng mga pagsusuri sa laboratoryo ng krimen, pagsusuri, at pagtukoy ng pisikal na ebidensyang nakalap sa pinangyarihan ng krimen.
Ang pagtatayo ng apat na palapag na gusali na may elevator ay bahagi ng PNP-DPWH Convergence Program sa ilalim ng DPWH Tatag ng Imprastruktura para sa Kapayapaan at Seguridad (TIKAS) Program na naglalayong magtayo at mag-rehabilitate ng imprastraktura sa loob ng mga kampo ng militar o pulisya na sumusuporta sa pagpapalakas at pagpapalawak ng kahandaan sa pasilidad para sa pambansang seguridad.
Ayon kay PBGEN CHINAYOG, “Makikita natin sa gusali ay wala pang gaanong mga equipments, maghihintay lang tayo from the national headquarters, hindi lang kami ang nangangailangan ng mga gamit kundi all the other units ay nangangailangan rin ng mga high-tech na gamit nagle level up na rin halos lahat ng units,”
“Ang ISO 17025 that is specifically from the DNA ibang-iba ito para sa laboratory yun para mas mataas na standard yun as compared to 9001 2015 ito ang common meron tayo specifically for laboratories 17025 maglalagay tayo nito but we will be starting muna sa national headquarters, pagtatapos ni PBGEN CHINAYOG JR. Photos by: Mario Oclaman //Filipino News Sentinel