Connectivity Internet Access sa Cordillera nilagdaan sa pagitan ng Converge at Provincial Government
BAGUIO CITY – Pormal na nilagdaan ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Converge Information and Communications Technology Solutions, Inc. na kinatawan ni Chief Executive Officer Mr. Dennis Anthony H. Uy ng Converge at ang Provincial Government ng Kalinga, Benguet at Mountain Province na dumalo ay sina Mt. Province Governor Bonifacio C. Lacwasan Jr. Benguet Governor Melchor D. Diclas, hindi nakadalo si Kalinga Governor Ferdinand B. Tubban, kasama rin ang presensya nina Sagada Mayor James Pooten, Tadian Mayor Constito S. Masweng, Tabuk Mayor Darwin Estranero at ang hosted ng event na si Baguio City Mayor Benjamin Magalong kasama rin na lumagda sa MOA ang General Manager ng Converge, North Luzon at si Edwin Mabitasan-Head of Engineering ng Metroworks ICT na ginanap sa Baguio Convention Center noong Setyembre 17, 2021.
Panauhing tagapagsalita na lumagda rin sa MOA ay si Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel – Secretary Salvador S. Panelo na ayon sa kanya ay labis ang pagpapasalamat nito sa mga provincial official dahil nagkaroon ng daan na mapakinggan ang mga kahilingan, dahil ito ang pinaka instruction ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, anya, kailangan malaman niya lahat ng pangmadaliang pangangailangan at pangmatagalan na pangangailangan sa lahat ng LGUs,”
“Kaya nga mahigit isang taon na umiikot ako at sinasabay ko sa mga imbitasyon sa akin kung ako ay inaanyayahan magsalita at magkaroon ng pagkakataon makausap ko ang mga officials para maiparating ko sa presidente.
“Pinasasalamatan ko rin ang taong importante with respect to the MOA sapagkat hindi ko siya kilala, nakilala ko lang siya ng umikot ako sa Cordillera at nalaman ko ang pangangailangan at personal kong naranasan na ang problemang malaki sa Cordillera ay walang wi-fi, walang internet at yan ang nirereklamo ng mga kababayan natin lalong lalo na ang mga bata, mayron nga silang tablet at laptop hindi naman magamit,”
“Nung ako ay naging panauhin sa Tabuk at ng tinatawagan ko si presidente Duterte ay hindi ko makontak sa Viber dahil walang connection sa internet so, ito ang nakita kong pangunahing suliranin na napakahalaga ngayon sapagkat nasa panahon na tayo lalo na ng pandemiya na kailangan talaga ng internet, at yun pagko connect sa bawat isa, institusyon, kumpanya at gobyeno ay mahalaga ang connectivity,”
“Nakatanggap ako ng paanyaya mula kay Mr. Dennis Anthony Uy ng Converge kung maaari ay pumunta ako sa kanilang tahanan at gusto ako makadaupang palad at sinabi niya na ang concern ko sa Cordillera, mukhang matindi ang pangangailangan nila ng connectivity sinabi ni Dennis, madali lang natin magagawa ito dahil meron tayong satellite dapat bago matapos itong Oktubre ay meron ng magagamit ang mga bata at ang mga tao, kaya dito kami nagkasundo ako ang naging daan para ipatawag ang mga gubernador sa Cordillera para magpirmahan ng MOA magtulungan kami para maikabit na namin yan, anya, kaya malaking pasasalamat ko rin kay Mayor Benjie Magalong ng pumayag siya dito ganapin sa Baguio ang MOA signing at ito ang ibinida ko kay presidente at nagpapasalamat ako dahil nagkaroon na ng realidad,” pagtatapos ni Panelo
Sinaksihan rin ng mga Punong Barangay at nagkaroon rin ng pagkakataon para makausap si Presidential Spokesperson Sec. Panelo kaugnay sa kanilang mga pangangailangan sa barangay.
Iisa ang mensahe ng pasasalamat ng mga representative parties ng Provincial Government na ang proyektong iniaalok ng Converge ay isang malaking katulungan para sa mabilisang communication na kahit sa mga liblib na lugar ay magkakaroon na ng connectivity ng internet access.
Ayon sa presentation ni Mr. Clarence Alvarado-Metroworks ICT ay ang pinaka objectives nito,” To present the Fiber Optic Cable Technical Plan to support internet access, pure fiber connectivity, IPTV and related value-added services especially in unserved araes of CAR region, and serve: Residential _Homes, Business Establishments (SME & Corporate), LGU offices, Hospitals, Schools, Government Agencies, NGOs.
Ang dalawang pangunahing sangkap nito ay una ang Backbone Network – “Underground fiber facilities using the method of HDD (Horizontal Direction Drilling), Manual Trenching and Aerial method.
Ang pangalawa ay ang Optical Distribution Network (FTTH) –Optical Distribution Network FTTH facilities using the underground or aerial method”
Sinabi ni Alvarado na ang projected timeline para sa Optical Distribution Network implementation sa ilalim ng Cordillera Administrative Region simula itong December 2021 to January 2022 ay nakatakda na di umano ang pagpapatupad sa probinsya ng Ifugao munisipyo ng Lamut, sa Atok, Benguet at sa Kalinga City of Tabuk at munisipyo ng Rizal, magtutuloy-tuloy na ito from January 2022 to February ay sa Buguias, Mankayan, Benguet; Pinukpuk, Kalinga; San Quintin, Pidigan Abra at sa Bangued, Penarrubia Abra. From February 2022 to March –April 2022 Sabangan, Sagada, Bontoc, Tadian at Bauko Mt. Province; Dangas, Tayum Abra; Luna, Sta Marcela at Conner Apayao; for May 2022 up to 2023 Lubuagan, Tinglayan Kailinga; Pudtol, Kabugao Flora Apayao; Asipulo, Tinoc Ifugao; Paracelis, Natonin Barlig Mt. Province; Kiangan, Lagawe Alfonso Lista Ifugao; Kabayan, Kapangan, Kibungan Benguet; Banaue at Hingyon Ifugao at magpapalawak pa ito sa mga susunod na taon. Mario D. Oclaman / FNS