COMMUNITY PANTRY SA BAGUIO, DINAGSA
Ilang grupo ng kabataan ang nagbukas at nagsagawa ng Community Pantry sa Igorot Garden, Baguio City noong Lunes, April 19, 2021)
Matapos itong nag viral sa social media na pinangunahan ang pagkakawanggawa ni Ana Patricia Non, sinimulan niya sa Maginhawa Street, Teacher Village, Quezon City ang Community Pantry noong April 15, 2021.
Simpleng adbokasiya lang para makapagbigay ng tulong sa mga higit na nangangailangan โMagbigay ayon sa kakayahan, Kumuha batay sa pangangailanganโ Sa Igorot Garden naging sentro ang Community Pantry karamihan mga residente ng Baguio ang kusang nagbigay ng tulong mula sa ibaโt ibang sektor. Kumalat na rin sa ilang lugar sa Baguio ang kusang gumagawa na rin nitong Community Pantry.
Hindi rin nagkulang sa paalaala ang mga grupo tungkol sa physical distancing at health protocols.
Samantala, Hinimok ng mga mambabatas ng Makabayan ang Kapulungan ng mga Kinatawan na siyasatin ang red-tagging at panliligalig sa mga nagsasagawa ng Community Pantry na ayon sa kanilang inihain na resolusyon noong Miyerkules, Abril 21. Photos by: Mario Oclaman / FNS