Commemorates the Inauguration of the newly renovated Camp Bado Dangwa Hospital

Commemorates the Inauguration of the newly renovated Camp Bado Dangwa Hospital

“A gift to the Gallant Men and Women of the Most Discipline Cops of CAR’

Ang dating gusali ng Health and Consultation Center building sa Camp Bado Dangwa ay nabigyan na ng katuparan para maging hospital sa pamamagitan ng pagsuporta ng SM Foundation matapos nagkaron ng kasunduan para sa renobasyon at pagpapaganda ng gusali.

Noong ika-6 ng Disyembre ay ginanap ang ribbon cutting, unveiling at blessing na pinangunahan nina PRO-CAR Regional Director PBGEN DAVID K. PEREDO JR. at Connie Angeles – Executive Director Health and Medical Programs SM Foundation, Inc. kasama rin si Chief, RMDU- CAR PCOL ALMA E. PAREDES at ang Director Health Service na si PGEN JEZEBEL D. MEDINA, ang mga SM Officers SM Regional Operations Manager Rona Vida Correa, Engr. Marc Janssen T. Pe – Senior Assistant Vice President · SM Supermalls and Michael Jason N. Pena, Asst. Mall Manager, SM City Baguio at ang nag initiate ng blessing of the facility ay si PMAJ ALEXANDER V. PARDO.

Sa panayam kay Ms. Connie Angeles, “Para sa kaalaman ng ating mga kababayan ay ito ang ika-limang hospital na programa ng SM Foundation sa buong kapuluhan, napakahalaga sa kanila na magkaroon ng ganitong hospital dito sa loob ng Camp Bado Dangwa, dahil mas kailangan nila ito para sa kanilang magandang kalusugan at maging sa mga kamag-anak at pamilya nila,  sinusuportahan natin ang mga kapulisan at military because they are very important to us dahil sila ang tagapangalaga ng ating mamamayan at ang seguridad ng mamamayan ang kanilang pinangangalagaan,”

“Napag usapan namin nila PCOL PAREDES at GEN PEREDO JR. na ito ang nagiging problema ng ating mga health center ay ang kakulangan ng mga gamot pero sa tingin ko ay puno ang kanilang pharmacy at may mga nagsu-suporta at titignan namin sa abot ng makakaya ng SM Foundation kung ano ang maitutulong namin sa kanilang pharmacy para maging sustainable at meron laging gamot na maibibigay sa nangangailangan pasyente,”

Ayon naman kay  Regional Director PEREDO JR. “In behalf of Police Regional Police Office, Cordillera Administrative Region we want to say thank you very much to SM Foundation for giving us this significant project that renovated and refurbished our Camp Bado Dangwa Hospital, kasama rin ang mga bagong equipments na malaking tulong ito sa atin mga pasyente,” #  Mga litratong kuha ni Mario D. Oclaman //FNS

Mario Oclaman