Comelec – Baguio nagsagawa ng Pambansang Operation Baklas

Comelec – Baguio nagsagawa ng Pambansang Operation Baklas

Lungsod ng Baguio – Sinimulan ng Commission on Elections (Comelec)-Baguio na tanggalin ang mga hindi awtorisadong campaign materials sa isinagawang Simultaneous Nationwide Operation Baklas noong Martes, Pebrero 11, 2025, kasabay ng pagsisimula ng campaign period para sa mga pambansang posisyon.

Ang Operation Baklas team na binubuo ng mga tauhan mula sa Comelec na pinangunahan ni Election Officer IV Atty. John Paul A. Martin kasama ang ilang tauhan ng Department of Public Works and Highways, at Department of Environment and Natural Resources (DENR-CAR) na nagtanggal ng mga campaign materials ng mga pambansang kandidato at party-list groups na naka-post sa mga pampublikong espasyo sa labas ng COMELEC-designated common poster areas sa lungsod ng Baguio.

Sinabi ni Comelec-Baguio Election Officer IV Atty. Martin,โ€na ang itinalagang lugar ng karaniwang poster ay nangangahulugan na ang isang kandidato o partylist ay maaaring maglagay ng isang estruktura na may sukat na maximum na 4 ft by 6 ft at isang clayboard kung saan ang mga poster ay dapat ilagay. Sinabi rin niya na ang pagpaskil direktang sa mga dingding ng isang pampublikong ari-arian ay ipinagbabawal.

โ€œCampaign materials may not be posted on trees, waiting sheds, sidewalks, street and lamp posts, electric posts, traffic signs, or other signboards,” pagtatapos ni Atty Martin.

(Refer to Section 8 of Comelec Resolution 11086: RULES AND REGULATIONS IMPLEMENTING REPUBLIC ACT NO. 9006, OTHERWISE KNOWN AS THE “FAIR ELECTION ACT”, IN CONNECTION WITH THE 12 MAY 2025 NATIONAL, LOCAL, & BANGSAMORO PARLIAMENTARY ELECTIONS)

Inalis ng team ang mga hindi awtorisadong campaign materials sa New Lucban Extension, Brgy. Cresencia Village, at Guisad National High School.

Kasama rin ang mga tauhan ng Baguio City Police Office na pinangunahan ni City Director PCOL RUEL D. TAGEL ay nagbigay rin ng seguridad sa kasagsagan ng pagbabaklas ng mga campaign materials.

Binigyang-diin ni Comelec-CAR Assistant Regional Director at Concurrent Acting Provincial Election Supervisor ng Benguet Atty. Vanessa Roncal ang kahalagahan ng pagsunod sa mga patakaran sa pagpaskil ng mga materyales sa kampanya. “Kahit na ang ilang mga poster ay nasa tamang sukat, [ngunit] kung ito ay nakalagay sa isang non-Comelec common poster area, tulad ng mga pampublikong lugar, ang mga nasabing poster ay maaalis,” ayon kay Roncal.ย  (Mga litratong kuha ni Mario Oclaman //FNS)

Mario Oclaman

Related articles