Cayetano sa mga public servant: Laging hanapin ang kalooban ng Diyos

Cayetano sa mga public servant: Laging hanapin ang kalooban ng Diyos

Hinikayat ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules ang mga opisyal ng pamahalaan, lalo na ang mga nasa pamunuan, na laging hanapin ang kalooban ng Diyos na nakabatay sa katotohanan ng Bibliya.

“Number one na kalaban natin in this age is misinformation. Sinasabi sa atin na everything is relative,” wika ni Cayetano sa kanyang mensahe sa ika-35 anibersaryo ng Fellowship of Christians in Government, Inc. (FOCIG) nitong October 23, 2024.

 “Ano po ang sinasabi ng tao ngayon? ‘Follow your heart.’ Pero ang sinabi ni Lord ‘bantayan mo heart mo. Be true to yourself, akin ka, be true to me [at] ako ang bahala sa iyo,’” dagdag niya, habang hinihimok ang mga pinuno na suriin kung tugma ang mga paniniwalang ito sa Bibliya.

Binigyang diin din ni Cayetano ang kahalagahan ng pagiging “purpose-driven” at mga ministro ni Kristo sa pamahalaan upang makamit ang tunay na pagbabago sa bansa.

“Be purpose-driven as if we are doing it for Christ, do it as if we are the salt and light. Kung ano ang mission sa ’yo ni Lord, y’un ang gawin mo. In everything you do, do it for the Lord,” aniya.

 Pinaalala rin ni Cayetano na ang personal na pagbabago ay simula pa lamang at hindi agad nagdudulot ng pagbabago sa lipunan.

“Your personal transformation does not automatically lead to the transformation of society. We need a strategy,” sabi niya.

 Binanggit niya ang kahalagahan ng pag-unawa sa kultura at kapaligiran para sa pangmatagalang pagbabago dahil malaki ang papel ng mga ito sa anumang estratehiya.

“Kahit anong ganda ng seed, kung mali ang environment, mamamatay y’un,” sabi niya.

 Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, hinimok ni Cayetano ang kapwa niya mga lingkod-bayan na patuloy na hanapin ang Salita ng Diyos sa kanilang trabaho at ituring ang kanilang tungkulin bilang isang tawag mula sa Diyos.

“The hungrier you are, the more God will open up His Word to you,” sabi niya.

“Mga kapatid, kung nasaang field man kayo, at kung ano mang bansa ang nabibisita ninyo, be purpose-driven as if we are doing it for Christ. Do it as if we are the salt and light,” dagdag niya. ### (PR)

PRESS RELEASE