Cayetano, muling itinulak ang diplomasiya sa international relations
Photo courtesy from the Office of Senator Alan Peter Cayetano
Muling ipinahayag ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules ang pagkiling niya sa diplomasya kaysa sa puwersang militar, at sinabing kaya naging maunlad ang ekonomiya ng Israel ay dahil sa pagiging palakaibigan nito sa ibang mga bansa.
Giit ni Cayetano sa isang maikling manifestation bilang pagsuporta sa Senate Resolution No. 552 na gumugunita sa ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng State of Israel, nagbukas ng maraming oportunidad para sa kaunlaran at kooperasyon ang ipinakitang “excellence in diplomacy” ng Israel nitong mga nakaraang taon.
“If you look at the map and the last five years of the friends and bridges that had been built, the diplomacy has grown that now Israel has so many friends or at least has opened dialogues with groups and people and even States which they did not even have relations with before,” aniya.
Sinabi ni Cayetano na nasa pang-19 ang ranggo ng Israel sa buong mundo nitong mga nagdaang taon ayon sa datos mula sa International Monetary Fund, na nalampasan pa ang United Kingdom, Japan, at France.
Ibinida ng senador ang dalawang agricultural model area sa Lungsod ng Taguig na itinayo sa pakikipagtulungan sa Israel sa pamamagitan ni dating Israel Ambassador to the Philippines Rafael Harpaz.
Sinabi niyang halos hindi kapani-paniwala na ang Israel, na halos nakatayo sa disyerto, ay eksperto ngayon sa agrikultura.
Kumpara aniya sa Pilipinas na mahaba ang proseso sa pagsasagawa ng proyekto, nagbukas sa loob ng isang buwan ang proyekto ng nasabing agricultural model.
“We talked, [then] the Mayor of Taguig and the Ambassador talked, [then] they introduced them to an NGO. One week later, the people were carrying the equipment. Two weeks later, it was operational,” wika ng senador.
Sinabi ni Cayetano na umaasa siyang mananatiling matatag ang ugnayan ng Pilipinas at Israel.
“I think everyone is unanimous in that we want the Filipino kind of friendship, hospitality, and bond with Israel to continue,” aniya.
Nagpahayag din ng pasasalamat ang Senador sa malapit na ugnayan ng dalawang bansa, na aniya ay napanatili sa kabila ng pagkakaiba ng relihiyon at distansya.
“Ever since [the Philippines voted in favor of the independence of the State of Israel in 1948], there has been no time wherein when we reached out and Israel has not responded,” wika ni Cayetano.### (PR)