Cayetano, hinimok ang mga simbahan na tugunan ang spiritual at iba pang uri ng kahirapan sa Taguig

Cayetano, hinimok ang mga simbahan na tugunan ang spiritual at iba pang uri ng kahirapan sa Taguig

Para kay Senator Alan Peter Cayetano, ang pagtulong sa pagtugon sa “spiritual poverty” ay kasinghalaga sa pagtugon sa ibang anyo ng kahirapan.

Sinabi niya ito sa mga lider ng simbahan at life coaches na aktibo sa Kaagapay Sa Pag-unlad (KSP), isang programa na inilunsad niya upang magbigay ng mas magandang buhay sa mga Taguigeño.

“Without church leaders, without the work of God, without seeking His kingdom and His righteousness, mawawala talaga tayo sa programang ito… kung anti-poverty program lang po ito na pareho sa mundo, kung pera lang ang pag uusapan, and if poverty is just lack of resources, [ma coconsider na ] spiritually poor din tayo,” sabi ni Cayetano sa isang lunch meeting kasama ang core group sa Bonifacio Global City noong Miyerkules, June 28.

“None of us are saying na fair ang mundong ito. Ang totoo ay unfair ang mundong ito until we can really learn to seek His kingdom and righteousness until we can establish God’s principle in our homes, barangays, streets, and cities,” dagdag niya.

Hinimok ni Cayetano ang grupo na mag-isip ng mga bagong paraan upang matugunan ang iba’t ibang anyo ng kahirapan sa programa ng KSP, na sinimulan niya Cayetano noong 2010 bilang isang anti-poverty program at muling inilunsad noong 2020 gamit ang bagong pangalan.

“Ang success ng anti-poverty is wala nang poverty sa buhay nila. So in the next few days and weeks, together let’s define what poverty is. [Ito ba ay] kung wala kang knowledge, understanding, and wisdom sa word of GOD, may poverty ka. O wala kang makain, makuhang trabaho, etc.” aniya.

“Kasi ‘yung iba sumobra ng simple, sumobra na pagiging humble. “Yung iba, makauwi lang sa pamilya, makabayad lang ng renta at kuryente, tingin nila wala nang poverty. Pero kapag kilala po nila ang Diyos natin at ang gusto Niya na i-prosper tayo, makikita nila na poverty pa rin iyon. Kasi kung hindi natin ma-fufulfill ang purpose sa buhay natin, poverty ‘yun kasi ninakaw sa atin ng demonyo ‘yun, kasi may plano ang Diyos,” paliwanag niya.

Idinagdag ni Cayetano na higit sa espirituwal at pisikal na kahirapan, kailangan ding tugunan ng KSP ang kakulangan ng pang-unawa, kaalaman, at karunungan sa lungsod.

“Ano yung common na denominator na nakikita natin sa poverty? Obviously ‘yung lack of opportunity – whether it be single parent kaya hirap, may sakit, o talagang nalugi sa negosyo. The other is kakulangan ng kaalaman. This is why the search for understanding, knowledge and wisdom is essential to what the group is doing,” wika niya.

Binigyang diin din ni Cayetano ang tungkulin ng KSP bilang mga pinuno ng simbahan at lungsod na maging mapagbantay laban sa “corporate sins” tulad ng pagsusugal, pag-abuso sa droga, at iba pang uri ng bisyo, na lumaganap sa lungsod.

“Kapag ipinagdadasal mo, ‘Lord patawarin mo ang Taguig’ pero kapag tumingin ka sa kaliwa mo ay panay sugalan; sa kanan, panay bar na may naghuhubad at mga motel, at kapag tumingin ka dito, walang pwedeng magtayo ng negosyo na wala kang 20% [cut], paano naman hindi i-judge ni Lord yun?” wika niya.

“It is our responsibility as city leaders and church leaders na corporately walang masabi ang Panginoon sa atin. Kaya kasama dito, kapag may nakikita na tayong hindi maganda ang nangyayari, magsumbong na tayo. Gumalaw na tayo. Kapag may isang sugalan o motel pa lang magtatayo diyan, huwag nating sabihing isa lang iyan. Dadami iyan. Magiging problema iyan later on,” dagdag niya.

Bago matapos ang kanyang mensahe, hinimok ni Cayetano ang mga dumalo na asahan ang mga upgrade sa paraan ng kanilang paggawa.

“Three years na itong KSP, pero since 2010 ang ating anti-poverty program, 13 years na rin ito. We also have to judge ourselves, kung after 13 years, walkman pa rin ang gamit natin, [hindi iPhone]. Mag upgrade rin po tayo sa ating mga ginagawa. It’s a challenge for all of us,” sabi niya. ### (PR)

PRESS RELEASE