Cayetano, hinikayat ang mga presidentiable na makiisa sa paggawa ng five-year economic plan

MANILA – (June 23, 2021) – Hinikayat ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga presidentable sa susunod na taon na makiisa sa paggawa ng five-year economic plan ng bansa.

“Sa five-year plan, inaalok natin ang lahat ng mga presidentiable, [at] lahat ng eksperto sa tourism, sa finance, sa transportation, [at] sa agriculture to join us in forming a five-year plan,” sabi ni Cayetano sa isang panayam sa midya noong Hunyo 18.

Ayon sa kanya, tinitingnan nila ang posibilidad na isang “neutral” at non-partisan na opisyal o lider sa gobyerno ang mamuno para sa pagbuo ng nasabing post-pandemic plan.

“I’m hoping that we can get a retired Supreme Court Chief Justice or an economist na kilala na isang academician, o kaya si Secretary Karl Chua ng NEDA. ‘Yan po ay hindi pulitiko, ‘yan ay non-partisan [at] napakatalinong tao. Kasama niya ‘yung economic team ever since,” dagdag ni Cayetano.

Sa nasabing panayam, sinabi rin ni Cayetano na magmumungkahi sila na isama ang taunang pamamahagi ng P10,000 ayuda bawat pamilya sa loob ng tatlong taon sa nasabing post-pandemic plan. Ito ay upang tulungan umahon ang pamilyang Pilipino mula sa pandemya.

Ayon sa kanya, ang panukala ay katulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng gobyerno.

“Doable itong P10,000, and we will push [this] doon sa five-year plan,” sabi ni Cayetano ###

PRESS RELEASE