Buwan ng Pamana idaraos ng MMAAP sa isang webinar sa Paglalathala ng mga Aklat
Mimaropa, Pilipinas – Ang Multimedia Arts Association of the Philippines (MMAAP), ang nangungunang propesyonal na samahan ng mga multimedia arts sa kapuluan. Ngayong Buwan ng Pamana, ang MMAAP ay magsasagawa ng webinar “Creation to Publication: From Scratch to a Book” ng MMAAP Mimaropa Sabado, Mayo 18, simula 9:00 ng umaga.
Ang Heritage Month, na may temang “Championing Heritage” ay magkakaroon ng palitan ang Marinduque State College (MSC) Litera Club kinakatawan ng tagapayo nito si Dr. Randy Nobleza at mga miyembro-opisyal. Sina Jimely Estoya, Gerard Diana at Andrea Saet ay magbabahagi ng kanilang danas sa paglalathala. Sila ang bumubuo ng MSC Publication kasali sa Creative Expo noong Marso 18 hanggang 31. Ang MSC Litera Club ay tumulong upang makapaglabas ang MarSU Catalogue tampok ang 30 aklat at 20 may-akda.
Ang MMAP ay naitatag noong 2020, may tunguhing makapaglatag ng pundasyon ng pandaigdigang Filipino multimedia arts professionals at tagatangkilik ng interes tungo sa kahusayan ng multimedia arts bilang bagage ng creative ecosystem.
Ito ay isang organisasyon nagbubuklod ng freelancers, creatives at professionals sa iba-ibang multimedia platforms, agencies, at paaralan, ang MMAAP ay naghahangad maitampok ang muhon ng Filipino multimedia arts, pinapayabong ang mga miyembro sa matatag na pambansa at internasyonal na network, professional support, at pagkakataon sa capacity building sa pamamagitan ng seminars, workshops, national conventions at iba pa.
Ang MMAAP ay mayroong mga sangam sa rehiyon ng NCR, Cagayan Valley, Bicol Region, Central Visayas, CALABARZON, Central Luzon, CAR, and MIMAROPA. Ang Mimaropa MMAAP ay kinatawan ng tagapag-ugnay, G. Julius Atienza Aala, isang Graphic Artist, Creative Educator, at Adobe Community Expert. Ang MMAAP MIMAROPA ay naitatag noong Nobyembre 2023. Ang MMAAP MIMAROPA ay naghahanap ng mga dedicated at creative members sa buong rehiyon sa MIMAROPA upang mapatatag ang Executive Officers at Committee Directors para mapalawig pa ang MMAAP sa rehiyon.
Kamakailan ay nagkaroon ng webinar noong Buwan ng Kababaihan, “Empowering Women’s Creativity with Adobe Express” kasama si Jemmarie Bocalbos noong Marso 16. Gayundin, sa buwan ng panitikan at kalutong Filipino, nagkaroon din ng webinar, “Basic Animation using Adobe After Effects” kasama si Chardane Edda Martinez ginanap noong Abril 20. Abangan pa ang ibang gawain ng MMAAP sa Mimaropa sa mga susunod na buwan at pagkakataon. (PR)