Bukidnon ibinuhos ang todong suporta sa BBM-SARA UNITEAM
Bukidnon – UniTeam supporters show their warm support for the candidacies of presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr and his running mate Inday Sara Duterte during the last day of their Mindanao campaign leg on March 31.
Photos show overflowing support for the UniTeam from the people of Bukidnon who also received the same warm welcome in the different provinces in Mindanao that they visited this week.
Marcos thanked their supporters for their continued support to be one with them in their call for unity. Photo credits BBM-SARA UNITEAM
DI mahulugang karayom sa dami ang mga taong pumunta sa rally ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at running mate na si Inday Sara Duterte na ginanap sa capitol ground ng Malaybalay City, Bukidnon nitong Miyerkules.
Bago magtungo sa UniTeam grand rally nagkaroon muna si BBM ng maiksing caravan papunta sa Valencia City, Bukidnon upang pasinayaan ang bagong BBM-Sara UniTeam headquarters.
Mula sa roadhouse kung saan nagsimula ang caravan inabangan na si Marcos ng kanyang mga supporters na todo ang hiyawan at sigawan.
Tumagal ang caravan ng halos dalawang oras na ginanap sa mahigit na isang kilometrong kalsada.
Agad naman na pumunta ang pambato ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa capitol ground pagkatapos pasinayaan ang headquarters.
Doon ay namangha ang dating senador sa dami ng taong pumunta para masilayan ang UniTeam.
“Akala ko malamig dito sa Malaybalay, Bukidnon pero di ko naramdaman dahil sa init ng pagtanggap ninyo sa UniTeam” sabi niya.
Ayon naman kay Gov. Jose Maria R. Zubiri matagal niya na kilala si Marcos kaya alam niya na malaki ang pagmamahal nito para sa mga mahihirap at kapos-palad.
“Matagal ko na siyang kilala, ang puso nito malaki pa sa kanyang katawan para sa mga mahihirap at kapos-palad katulad ng iba sa inyo” sabi ni Gov. Zubiri.
“Kaya naman wag na tayong pipili pa ng ibang kandidato pagka-presidente, siya lang ang ating presidente, mabuhay si Bongbong,” dagdag pa ng gobernador.
Samantala, ni-represent naman ni Sen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa si Mayor Inday Sara Duterte.
Sinabi ni Dela Rosa na dapat hindi maghiwalay ang tambalan ni Marcos at Duterte para maging maganda ang pamumuno sa bansa.
“Kung si Inday Sara ang ating bise-presidente dapat si Bongbong Marcos ang presidente, dapat hindi maghiwalay ang dalawa para maging maganda at maayos ang pamamalakad sa ating bansa,” ayon kay Dela Rosa.
“Kaya nga tinawag sila na UniTeam dahil may unity at teamwork kaya kailangan magsama silang dalawa na mamumuno sa bansa,” dagdag pa ng senador.
Sabi naman ng mga organizer, tinatayang nasa mahigit isang daang libong (100,000) taga-Bukidnon ang pumunta sa capitol ground para masaksihan at mapakinggan ang mensahe ng UniTeam bukod pa diyan ang mga taong naghintay at nag-abang sa mga kalsada. ###