Buhay OFW: Love Scam
Ang pagmamahal ay isa sa mga pinakamagandang pakiramdam para sa isang tao. Ang mahalin at magmahal ay nagpapatatag at nagpapalakas sa isang taong tunay na nagmamahal. Ganto rin para sa mga kabayan nating OFW sa kanila ang ibigin at mag bigay ng pagmamahal sa isang tao ay nagpapalakas sa kanilang loob para matapos ang kanilang kontrata sa bansang kanilang pinuntahan.
Karamihan sa mga kababayan natin ay nararamdaman nila ang pagmamahal na ito mula sa kanilang pamilya. Dahil nga sa karamihan sa kanila ay ang pamilya ang kanilang pangunahing dahilan ng kanilang paglayo. Pangarap na gusto nilang makamit para sa kanilang pamilya kaya naman kahit na anong lungkot, hirap at pagod ay nalalagpasan nila ito. Bawat minutong sakripisyong ito ay nawawala sa isang saglit na pag-uusap sa kanilang mahal sa buhay.
May mga kababayan din minsan ay hinahanap sa ibang tao ang pagmamahal na dapat ay nararamdaman nila sa kanilang pamilya. Lalo sa mga kababaihang unang sabak sa ibang bansa hindi lahat ngunit karamihan lamang. May mga nagiging masaya ang kanilang buhay ngunit may mga iba rin na di na nga pinalad sa pagmamahal mula sa pamilya ay na scam pa o naloko pa ng ibang tao dahil sa kanilang matatamis na salita at tinatawag nila itong “LOVE SCAM”.
Mula kay Rodelia ng isang grupo ng sa online, Domestic Workers Corner, para sa mga OFW sa Hongkong na kung saan sila ay tumutulong sa mga ating mga kababayang nangangailangan.
Sila ay tumutulong sa ibat ibang paraan mula sa pagkain, gamit, mga payo at tulong upang makalapit sa ahensya ng Pilipinas sa Hongkong. Ayon sa kanya karamihan sa mga nabibiktima ng “love scam” na mga kababayan natin ay may problema sa kanilang pamilya sa Pilipinas. Hindi nila maka usap ang kanilang pamilya at gusto nilang may taong makikinig sa kanila at iintindi sa kanilang mga nararamdaman.
Nag uumpisa ang “love scam” sa mga taong naghahanap ng kalinga atensyon sa ibang tao at sila ay nililigawan at dumarating sa punto na kung saan yung taong nagbibigay ng atensyon, kalinga ay humihingi na ng pera sa kanila. Mula sa mga nabiktima ang karaniwang rason nila ay dahil sa mahal nila kase yung tao kayat naibibigay nila kung anuman ang hingin nito sa kanila.
May mga payo siya sa mga kababayang Pilipino upang maiwasan ang “love scam” hindi lamang sa Hongkong kundi kahit saan man parte ng mundo.
Isa sa mga ito ay “Pagmamahal ay hindi sa madaliang paraan kailangan mong kilalanin yung taong mamahalin mo at magmamahal sayo. Kung hindi man ay magsabi ng nararamdaman sa mga kaibigan nilang mapagkakatiwalaan na willing makinig sa kanila”.
Marami rin sa mga kabayan ang nagsabi ng kanilang saloobin o karanasan sa usaping ito:
“Marami akong nakasalubong na ganyan sa “online dating site” humihingi din ng pera sa akin maraming rason na ganon but pinasakayan ko lang yun sila pag nagsabi ng pera kasi need niya. Bina block ko na kasi ganyan style hingian ka ng pera scam yan, Wag tayong maging tanga bakit tayo magbigay ng pera sa kanila di mo kaano-ano kahit inlove kana huwag magbigay gamitin ang utak natin. Makiramdam kayo sa chat niyo lalo pa di nagpakita ng real face. Marami paring pinoy naloko ng ibang lahi karamihan mga scammer Nigerian” –Ana Gotrabuy
“Tiyaga at sacrifices po para sa family kahit po malungkot at madami kami na encounter na problems kapit lang po sa ating Lord Jesus” –Cheska Ronio
“Sometimes nagtutulak din para gumawa ng hindi tama ang mga OFW dahil sa pamilya lalo yung kawalan ng oras para makamusta. Sad but true” –Rhonz Patricio Buisan
“Share ko lang po. Ganyan din po ako dati nasa Oman pa ako nagkaroon ako ng friend na ibang lahi nakipagchat naman po ako makailang months nanghiram ng pera dahil daw critical daw po yung anak. Akon naman syempre di ko ginawa magpadala kahit na kokonsensya ako dahil emergeny kung totoo man or hindi. Malambot ang puso ko eh kaya hanggang ngayon takot na din mag chat sa ibang lahi”.
-Janalyn Ocharan Vicente
Para sa ating mga kababayan na nabiktima ng “love scam” maging inspirasyon sana ito sa inyo para sa susunod ay maging mapanuri sa mga taong gustong makipagkilala sa inyo. Mas maganda kung I pokus ang atensyon sa pamilya at humingi ng payo sa mga kaibigan kung di man kaya ay makakatulong din ang social media tulad ng DWC (Domestic Worker Corner) para sa mga nasa Hongkong para maglabas ng loob. Pagkakaroon ng kaibigang ibang lahi ay hindi masama, ang masama ay ang pagbibigay sa kanila ng pera na dapat ay para sa iyong pamilya o para dapat sa iyong pangarap sa buhay. Para sa mga legal na problema ay nakakatulong din ang ahensya ng gobyerno tulad ng OWWA para sa problemang pamilya at Philippine Consulate para sa problema sa trabaho o empleyado. ###