Birthday wishes for fruit berry tree planting
Puguis, Benguet – Isang magandang pagkakataon ang idinaos ng ilang miyembro ng Rehabilitation Action for Baguio – Volunteers (RAB – V) matapos magbigay ng paanyaya si Dra. Digna Acosta para magsagawa ng pagtatanim ng punongkahoy sa liblib na kagubatan ng Mount Costa na kung tawagin ay Voltaire’s Virgin Forest.
Ninais ni Doktora ang makapagtanim ng fruit berry trees bilang handog sa kanyang kaarawan noong ika-8 ng Marso.
Sa panayam ng FNS kay Dra. Acosta, “Our one advocacy in RAB is to plant trees and careful the environment, since it is my birthday, it seems my heart na makapagtanim ng mga fruit berry trees, may kasabihan nga tayo na “plant a tree and you will be bless a thousand generation” and then yun desire ko na magkaroon ng fruit berry trees kasi may area dito sa Mount Costa na hindi pa siya talaga na open, wala pa siyang development, it’s a virgin forest and it’s a really nice area to plant those fruit berry trees, nakapagtanim tayo ng 43 fruit berry trees may Kaimito, Avocado, Duhat, Jackfruit, Kamias meron rin tayo mga flowering trees like Jacaranda tree, ang desire ko is we want all these trees to grow fruitfully at the same time yun area na yun will become a beautiful place or beautiful haven for others also pag nag start na i-open yun park na yun at nag grow na ang mga trees, it can be source ng food at the same time haven for healing and the strengthening of the people so, yun ang nakita ko sa point na yun at ang magagamit natin tamnan ay nasa 1 hectare,”
“Nagpapasalamat ako sa lahat ng member ng RAB especially yun tumulong sa akin at yun mga dumalo rin sa kaarawan ko ngayon naging masaya ang araw ko and I feel so blessed na nakasama ko kayo, thank you for celebrating everything in my birthday,” pagtatapos ni Dr. Digna
Samantala, nagkaroon rin ng pagkakataon nakadalo si Mayor Benjamin Magalong at nabigyan ng oras na makakwentuhan ang mga miyembro ng RAB-V na pinangunahan ni Tita Monin Navarro. Photo by: Mario Oclaman / FNS