Benguet Gov Diclas hangad ng pagkakaisa ng Small Scale Miners
Tuding, Benguet – Matapos pinanumpa ni Benguet Governor Melchor Diclas ang mga bagong officers ng Benguet Federation of Small Scale Miners Inc. na ginanap sa Itogon Training Center (ITC) Bua, Tuding, Itogon, Benguet kaninang alas-diyes ng umaga (June 3, 2022) ay naunang inilabas nito ang kanyang nasa loobin.
Mariin na sinabi ni Governor na hangad niya magkaroon ng pagkakaisa ang grupo upang kung mairekomenda man ito sa admin ay mai-presenta lahat ng small scale miners at lahat ay may partisipasyon ang bawat area ay may representative upang nagkakaisa at nagtutulungan ang bawat isa na kasama sa small scale miners, habang wala pa rin na appoint na bagong secretary ng DENR ngayon ay kailangan na magkaisa ang lahat ng small scale sa probinsya at magawa natin this few months before maipa approved at mai-recommend sa DENR Secretary na kung sino man ang uupo,”
“Ilang ulit na rin natin inilapit ang sulat kay DENR secretary Cimatu na mai-lift ang suspension order pero talagang ayaw pa rin but anyway kahit na ganun ang nangyari ay nagtatrabaho pa rin tayo, hindi pa rin tayo huminto nagtrabaho, ganunpaman maki communication tayo kay Congressman Yap para ipa lift na ang stoppage order, hopefully makatulong itong bagong uupo na bagong secretary ng DENR at si Presidente Bongbong Marcos at upang mailapit natin na mai amend ang Bill ng RA No. 7076 na trabaho ng congressman in the near future ipatawag uli natin si Congressman na ito ang sasabihin natin ang pag amend sa RA 7076, napag usapan na rin namin ito noon ni congressman kaya sana ay tuloy-tuloy na ito lalo na ngayon medyo maayos na ang sitwasyon ng COVID,” pagtatapos ni Diclas.
(Top photo) Benguet Governor Melchor Diclas initiate the oath-taking of the new set of officers of the Benguet Federation of Small Scale Miners, Inc. President – Norberto Cobaldez, Vice-President – Alfred Bugnosen, Secretary-General – Leoncio Na-oy, Vice-President for District 1 Ermundo Milo, Treasurer – Angelita Sugalan, Auditor – Desiree Luis, Business Manager – Ricardo Liwayan, PRO – Milo Lopez. Board of Trustees: Norberto Cobaldez, Leoncio Na-oy, Ricardo Liwayan, Ermundo Milo, Angelita Sugalan, Desiree Luis, Gina Abangga, Lopes Milo, Eric Aguintey, David Tomilas, Warlito Jacinto, Cesar Carbonel, Pablo Tudlong, Alfredo Pacyado and Alfred Bugnosen. Mario Oclaman // FNS