Belenismo Sa Tarlac is now open on its 16th year of celebration

Belenismo Sa Tarlac is now open on its 16th year of celebration

San Miguel, Tarlac City – (November 6, 2023) Pormal ng binuksan ang Belenismo Sa Tarlac matapos ang isinagawang ribbon cutting na pinangunahan ng kagalang-galang na panauhing pandangal na sina Secretary of the Department of National Defense Atty. Gilberto C. Teodoro at ang kanyang mahal na asawa na si Philippines’ Special Envoy to the UNICEF Monica Louise kasama ang kanilang anak na si Jaime.

Sinaksihan naman ni Isa Conjuangco Suntay at ng kanyang butihing ina na founder of Tarlac Heritage Foundation na si Isabel Cojuancgco Suntay,  kasama ang pangkat ng Amor Division ng Philippine Army.

Sa ika-16 na taong anibersaryo ng Belenismo Sa Tarlac ay naging matagumpay ito at nagdulot ng kasiyahan sa buong mamamayan ng Lalawigan ng Tarlac.

Ang Belenismo Festival 2023 ay nilahukan ng Limampu’t tatlong (53) rehistradong kalahok sa limang kategorya ang nakapasok.

Ang sampung (10) entry ay sa kategorya ng komunidad, Labing-apat (14) ay sa kategoryang Simbahan, Walo (8) sa kategoryang Monumental, ang Siyam (9) sa kategoryang Grand Non-Municipal at ang Labindalawa (12) sa kategoryang Grand Municipal.

Higit pa rito, ang iba pang Munisipyo, business establishments, simbahan, at pribadong tahanan ay nag-assemble din ng sarili nilang Belen display bukod sa mga opisyal na rehistradong kalahok sa patimpalak na tumutulong sa pag-ambag sa paggawa ng Probinsya ng Tarlac na kilala bilang Belen Capital of the Philippines.

Mula noong inagurasyon noong 2007, taun-taon na ipinakita ng Belenismo hindi lamang ang mga talento ng mga Tarlaqueno na nagpakita ng kanilang pagkamalikhain, pagiging maparaan, at pagka-orihinal sa sining ng paggawa ng Belen ngunit ipinakita rin ang diwa ng “Bayanihan” sa kanilang lahat.

Ang itinuturing ng mga taga Tarlac bilang pinakamalaking Belen ay naka display sa harapan ng Camp Servillano Aquino na matatagpuan sa Bayan ng San Miguel, Mc. Arthur Highway, Tarlac City.

Ito ay ginawa sa malikhaing mga kamay ng mga kagawad ng AFP kung saan ay nabuo ito sa pamamagitan ng pagtutulungan gamit ang mga kawayan (The Fast Growing Grass) isang materyal na naglalaman ng esensya ng kakayahang umangkop at pagiging maparaan.

Ang display na ito ay sumasalamin sa malalim na kahalagahan ng pagtiyak ng kapayapaan at seguridad, pagtatanggol sa ating teritoryo, paggarantiya ng seguridad sa pagkain, at pangangalaga sa ating kapaligiran.

Sa pagdiriwang natin ng kapaskuhan, itong Belen ay nagpapaalala sa atin na sa harap ng pagbabago at kahirapan, ang pangako sa mga kritikal na mithiing ito ay nananatiling hindi natitinag.

“Join us in embracing the role we can all play in safeguarding our planet’s future. Let the armor of commitment and the strength of unity inspire you as we step into a new year filled with promise and the shared goal of a more sustainable world. Have a sustainable CHRISTmas and a Green New Year!,”

“Belenismo is a member of the Federation Española de Belenistas.

“We welcome all people from around the globe to visit the Belens and witness the spectacular displays made by Tarlaqueños.,

“Come see and enjoy the Belenismo Sa Tarlac 2023.”  ### (PR) Photo by: Gracelyn Najera

PRESS RELEASE