BAWAS PANGAMBA, TODO GINHAWA SA LIBRENG VASECTOMY

BAWAS PANGAMBA, TODO GINHAWA SA LIBRENG VASECTOMY

BAGUIO CITY – Bilang bahagi ng pagdiriwang ng World Vasectomy Day ay nakipag-kaisa ang City Government of Baguio, Department of Health, An Act Of Love, DKT Philippine Foundation at ang Baguio City Health Services Office para bigyan ng pansin ang bawat pamilya na magkaron ng maginhawang pamumuhay sa pamamagitan ng tamang paraan ng pagpa-plano ng pamilya.

Ayon kay Ms. Aida Gonzales ng Health Services Office, “Ang Vasectomy ay isang mabisang paraan ng pagpaplano ng pamilya na isang beses lang ginagawa at pagkatapos nito ay wala nang dapat ikabahala. Tandaan lamang na ang pamamaraang ito ay permanente at inirerekomenda lamang para sa mga lalaki na naabot na ang kanilang nais na bilang ng mga anak at ayaw nang magkaroon ng higit pa,”

“Pagkatapos ng pagpa-vasectomy, ay hindi nito maaapektuhan ang sex drive, walang epekto sa orgasm sa panahon ng pakikipagtalik, walang epekto sa testicular function, at walang epekto sa penile erections,”

Ang project na ito ay in coordination with the government, Department of Health, na endorse kami sa mga LGU’s ng Benguet, entire provinces ng Cordillera and in Baguio we are working this activity through the Health Services Office,”

“Dito sa Philippines ay nag initiate ng activity ang DKT at ilang civil society organization bale tatlong venue ang pinangyarihan nitong activity sa Davao, NCR at sa Baguio City,”

“Ang World Vasectomy Day ay isang taunang pagdiriwang sa iba’t ibang bansa, Ang layunin nito ay itaas ang pangkalahatang kamalayan tungkol sa vasectomy bilang isang ligtas at epektibong paraan para maiwasan ng mga lalaki ang hindi planadong pagbubuntis,”

“Ang pamamaraang gagawin ay tinatawag na Non-Scalpel Vasectomy, na itinuturing na isang minor na operasyon at isasagawa ng mga espesyal na sinanay na doktor. Makakatiyak ang mga kliyente ng malinis na operating area, magiliw na mga service provider, libreng take-home na gamot, at mahigpit na pagsunod sa mga pag-iingat sa kalusugan laban sa impeksyon sa COVID ng lahat ng aming itinalagang pasilidad ng serbisyo ng NSV,”

“Kailangan na makapag-register ng maaga upang mabigyan sila ng impormasyon tungkol sa vasectomy at para mabigyan muna ng counseling bago sa takdang araw ng pagpa vasectomy sa November 22 -26, 2021 na gaganapin sa 3rd Floor, Health Services Office, Baguio City.  Para sa pre-registration kontakin o i-text lang ang numero 0950-331-3303 (Aida Gonzales).” Ani Gonzales.

Kasama si Adora Catolos ng Health Education and Promotion Officer ng Health Services Office para magpaanunsiyo sa proyekto ng Kagawaran ng Kalusugan.  Mario Oclaman / FNS  

Mario Oclaman