Barangay Sto. Rosario Valley support National ID campaign
Lungsod ng Baguio – (February 26, 2022) – Sa pangunguna ng barangay officials at tanods ng Barangay Sto. Rosario Valley ay naisagawa ang pagpapatala ng mamamayan sa mga kalapit barangay nito matapos magpalabas ang Department of the Interior and Local Government na hikayatin ng mga barangay na suportahan ang pagpapatupad ng Philippine Identification System (PhilSys) o ang National ID system sa pamamagitan ng aktibong paghimok sa kanilang mga nasasakupan na magparehistro sa PhilSys at makakuha ng national ID.
Maalaala sa pahayag ni DILG Secretary Eduardo M. Año, “Nasa gitna man tayo ng pandemya, tuloy pa rin ang paghahatid ng serbisyo publiko sa mga mamamayan. Kaya hinihimok ko ang mga punong barangay na makiisa sa adbokasiya ng National ID Campaign, upang mapabilis ang pagpapatala sa ating mga mamamayan, lalo na ang mga nasa kanayunan,”
“Ang PhilID card ang magiging tanging ID na kakailanganin para sa lahat ng transaksyon sa lahat ng local government units (LGUs), pribadong entity, bangko, at iba pang establisyimento,”
“Napakaimportante ang pagkakaroon ng national ID lalong-lalo na ngayong panahon ng pandemya kung saan madalas ginagamit ang ID para sa mga online transactions, pagkuha ng ayuda, pagpapabakuna at marami pang iba,”
“All Punong Barangays to share registration-related updates from the Official PhilSys Facebook page (https://www.facebook.com/PSAPhilSysOfficial) and facilitate barangay roving announcements from the Presidential Communications Operations Office (PCOO) to keep their constituents informed about the processes of availing the said ID card, “pagtatapos ni Año. Photo by: Mario Oclaman / FNS