Bakit nga ba may relihiyong ISLAM sa Pilipinas?(karugtong…)
Nang lumapag si Magellan sa Pulo ng Limasawa noong ika-16 ng Marso 1521, ang Pilipinas ay isa ng Bansa ng mga Muslim sa kadahilanang ang karamihan ng populasyon ay mga Muslim na. Pinatutunayan din sa kasaysayan na noong dumating si Legaspi (ang pumalit kay Magellan na napatay ni Lapu-Lapu), ang kaharian ng mga Muslim ay naitatag na sa (Batangas, Pampanga, Mindoro, Panay, Catanduanes, Cebu, Bohol, Samar, Manila, Palawan,) na hindi pa kasali ang solidong mga Pulo ng Mindanao.
Noong ika-13 ng Hunyo 1571, ang mga Kastila ang nagpasimula ng mainit na digmaan laban sa mga Muslim ng Maynila na pinamumunuan ng huling haring Muslim na si Rajah Soliman (ang pinuno ng mga Sultan sa Luzon).
Ipinagtangol ni Rajah Soliman ang kanyang kaharian ng buong tatag hanggang sa kahulihulihang hibla ng kanyang buhay na nangyari sa Bangkusay, (sa dalampasigan ng Tondo).
Sa pagkatalo ni Soliman, ang mga Kastila ay nagdulot ng lagim sa Pulo ng Luzon. Pinatay nila ang mga lalaki at babae, matanda at bata.
Ang mga Muslim sa karatig bayan ay nagtan-gol sa kanilang mga sarili hanggang sa kanilang huling hininga. Itak at palaso laban sa baril at kanyon.
Itinatag ng mga Kastila na pangunahing lugar ang Manila at nagplano sila na lusubin ang Visayas. Sa maikling sandali, nalupig nila ang Visayas. Ang mga Muslim na hindi namatay sa digmaan ay napilitang talikdan ang kanilang relihiyon at tanggapin ang Kristiyanismo. Sa ayaw at gusto nila, Pero ang mga matatapang at bayani ay mas pinili pa nilang mamatay kaysa tuloyan na nilang lisanin ang islam …
Abangan ang karugtong sa susunod na linggo.