Bakit nga ba may relihiyong ISLAM sa Pilipinas?
Ang Islam ay nakilala sa Pilipinas noong 13 siglo sa pamamagitan ng isang Arabong Misyonaryo na si Sharif Makhdum na lumapag sa Sulu. Ipinagawa niya ang unang Masjid sa Pilipinas sa Tubig-Indangan, Pulo ng Simunol, Lalawigan ng Tawi-Tawi. Ang natitirang bahagi ng Masjid ay makikita pa rin sa dati niyang kinalalagyan. Si Makhdum ay namatay sa Pulo ng Sibuto, Lalawigan ng Tawi-Tawi at ang kanyang puntod ay dinadayo ng mga turista hanggang sa ngayon.
Ng taong 1390, si Rajah Baginda ay dumating sa Bansa at pinagpatuloy ang pagpapalaganap ng Islam na sinimulan ni Sharif Makhdum. Si Abu Bakr ay dumating sa Jolo noong 1450 at pagkatapos ay pinakasalan niya ang dalagang anak ni Rajah Baginda na si Putri (Princess) Paramisuli. Si Abu Bakr ang nagtatag sa tinatawag na Sultanate of Sulu na kung saan silang mag-asawa ang naging unang Sultan at Sultana.
Pagkatapos maitatag ang Islam sa Sulu, ang mga Muslim ay naglakbay patungong Mindanao sa pamumuno ni Sharif Kabungsuwan. Siya ay lumapag sa Maguindanao (Cotabato) sa taong 1475 at pagkatapos ay pinakasalan niya si Putri Tunina. Sila rin ang kauna-unahang Sultan at Sultana sa Maguindanao.
Sa paglipas ng maraming taon, maraming Datu na Muslim ang pumunta sa Pilipinas pagkatapos marinig ang magandang balita sa magandang pagtanggap sa mga naunang Muslim. Magmula sa Borneo ay dumating ang sampung Datu na lumapag sa Panay. Ang mga Datung ito ay sina : Datu Puti, Datu Sumakwel, Datu Bangkaya, Datu Dumalogdog, Datu Paiburong, Datu Paduhinog, Datu Lubay, Datu Dumangsil, Datu Kalantiaw at si Datu Balensula.
Si Datu Puti ang siyang pinuno ng grupo ng mga Datu. Si Datu Puti ay dalubhasa sa paglalakbay at sila’y lumapag sa San Joaquin, Iloilo (ang pangalan nito noong una ay Siwaragan). Si Datu Puti at ang mga kasama niya ay binili ang mababang lupa sa Iloilo na nagmula kay Marikudo, ang pinuno ng mga Ita. Nagtatag sila ng sarili nilang pamayanan. Nang ang pamilya ng mga taga Borneo ay natatag sa Panay, si Datu Puti, si Datu Balensula at si Datu Dumangsil ay naglakbay muli at kanilang narating ang Batangas na sakop ng Luzon.
Si Datu Balensula at si Datu Dumangsil ay nagtatag ng sarili nilang pamayanan at si Datu Puti ay nagbalik sa Borneo sa daang Mindoro at Palawan. Isinalaysay niya ang kanyang karanasan sa mga Borneans at dumami ang nabighani para makapunta sa Pilipinas…
( abangan ang karugtong )