Baguio’s Smart City Command Center will use for the future generation despite pandemic
Sa ginanap na inagurasyon at matapos basbasan ang mga pasilidad ng Smart City Command Center sa Baguio Convention Center noong September 10, 2021 ay ipinakita kung paano pakilusin ng mga IT experts ang mga high-tech na pasilidad sa control room, ipinakita rin ang wide screen multi-task monitor na kung saan ay dito naka pokus lahat ng cctv halos sa 128 barangay at patuloy na magdaragdag pa at magpapatupad ng Digital Traffic Signalization System sa Central Business Dirtsict, layunin na ayusin at palitan ang lahat ng hindi gumagana na ilaw ng trapiko at i-upgrade na ang mga ito sa isang software / system na kinokontrol ng hardware na may mga Artificial Intelligence (AI).
Sinabi ni Mayor Benjamin Magalong, “sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng kapulisan sa Baguio City Police Office ay sa kanila maibabato ang mga data o ang mga nakukuhang data sa Command Center at ang kapulisan na ang mabilis na magre-responde, at ang pagsubaybay na nakukuha sa cctv ay real-time kaya mabibigyan agad ito ng kalutasan kung saan may nagaganap na krimen, kailangan lang ay maging maagap dahil kapag nahagip ng camera ang isang tao ay agad na nakikila ang pagkakilanlan sa kanya at maging sa mga plaka ng sasakyan ay agad rin ito maire record at lalabas agad ang data para makilala kung sino ang may ari ng sasakyan, unti-unti lang at konting panahon pa para ganap na makumpleto na ang proyekto, magdadagdag rin ng mga advance technology radio para sa mga kapulisan,”
“Tampok rin dito ang kahalagahan ng Baguio In My Pocket na magbibigay ng mga benepisyo nito sa mga nasasakupan, at maging ang pag access sa internet sa mga paaralan, tanggapan ng gobyerno at kalaunan ay sa buong publiko,”
“Government functions like paying property tax and other licenses will be automated, It will reduce response time on crime and emergencies; measure pollution in different parts of the city; trace where traffic is bad,”
“Ang susi dito ay pakikipagtulungan at inaasahan naming magpatuloy sa pakikipag-ugnayan sa aming mga kasosyo upang mabigyan ang mga proyektong may kalidad sa publiko na nararapat sa kanila,” ani Magalong
Samantala, ang P200 milyon na pinondohan ni President Rodrigo Roa Duterte para sa Smart City Command Center ay personal na ipinaabot ni Senator Bong Go. Mario D Oclaman / FNS