Baguio nagkamit ng ginto sa Seoul Smart City awards

Baguio nagkamit ng ginto sa Seoul Smart City awards

Ang Lungsod ng Baguio, na kinatawan nina Mayor Benjamin Magalong at Francis Camarao ng Management Information and Technology Division, ay nakakuha ng ginto sa Human CentriCity category ng Seoul Smart City Prize Ceremony na ginanap ngayong araw, 10 Oktubre 2024 sa Seoul, South Korea.

Nanalo ang lungsod para sa ‘Baguio’s Inclusive and Accessible Health Governance’ (BIAG) system na nagbibigay ng accessible na rekord ng kalusugan, telemedicine, at pantay na proteksyon sa kalusugan. Layunin nitong baguhin ang pangangalagang pangkalusugan sa lungsod ng Baguio.

Nasa South Korea sina Mayor Magalong at mga delegado ng Baguio para dumalo sa 1st Seoul Smart Life Week, na nagtataguyod ng pananaw at mga halaga ng isang “people-centered smart city.” (PR)

PRESS RELEASE