Baguio Cosplay Festival ipinagdiwang ang mapanlikhang pagpapakilala at diwa ng komunidad

Baguio Cosplay Festival ipinagdiwang ang mapanlikhang pagpapakilala at diwa ng komunidad

Ang Baguio Cosplay Festival ay bahagi ng Creative Sundays na pagpapasimuno ng city na ginaganap sa kahabaan ng Session Road na kung saan ay nagdiwang ng ikalawang taon noong  Oktubre 27, 2024.

Sa pakikipagtulungan ng Baguio Tourism Council (BTC) at ng Baguio Cosplay Community na nagpapakita ng iba’t-ibang likha ng mga kasuutan, nagsasanay silang magbihis bilang isang karakter mula sa isang pelikula, libro, o video game na nagbibigay ng kasiyahan sa mga dumadaan sa Session Road.

Nagpahayag mga espesyal na mensahe ang mga panauhin na mula kanila Jomar Rivera – Senior Tourism Operations Officer, Gladys Vergara – BTC, Chairperson, Punong Barangay Van Dicang at Yuri Kiaco Weygan.

Sa talumpati ni Gladys Vergara ay sinalamin nito ang pagsisimula ng Cosplay Festival, isang inisyatiba na inilunsad ng Baguio Tourism Council noong nakaraang taon, na mula noon ay naging mahalagang taunang pagdiriwang na ito. Pinuri niya ang mga nagmalasakit, nagsakripisyo na organizers para sa kanilang dedikasyon at pananaw sa pagpapalago ng festival na ito.

Ngayon ay nagsisilbing mahalagang bahagi nan g creative landscape ng Baguio.

Naakit ng festival ngayong taon ang umuunlad na komunidad ng cosplay ng Baguio, na ngayon ay pormal na kinikilala bilang isang bagong subsector na pinamumunuan nina Quentin Tanseco at Rabielle Trisha Caoili sa loob ng sektor ng G7 ng BTC, na sumasaklaw sa Heritage, Culture, Arts, at Media.

“Congratulations sa Baguio Cosplay Community para sa isa na namang matagumpay na pagtatanghal ng Cosplay Festival,” pagtatapos ni Gladys. # (Mga larawang kuha ng GV – Glad to serve you.)

Mario Oclaman