Bagong City Jail -Male Dormitory Library sa lungsod ng Baguio, pinasinayaan
Lungsod ng Baguio – Isang makabuluhang proyekto ang isinagawa ng Baguio City Jail tungo sa pagtataguyod ng pag-unlad at rehabilitasyon sa pamamagitan ng pagtatatag ng isang silid-aklatan sa loob ng pasilidad ng Baguio City Jail – Male Dormitory.
Pinagunahan nina Executive Assistant Benjamin Macadangdang na kumakatawan kay mayor Benjamin B. Magalong, kasama ang butihing maybahay ni Congressman Mark Go na si Soledad Go at JSUPT. April Rose W. Ayangwa –JAIL Warden ng Baguio City Jail Male Dorm ang ribbon cutting ceremony noong ika-29 ng Hunyo, 2023 sa Baguio City Jail-Male Dorm. Library.
“Our theme: “Read Your Way Out: Advancing Prison Through Libraries for Lifelong Learning in Place of Detention,”
Sa pahayag ni JSUPT. Ayangwa, “The primary goal of the library is to provide individuals, known as persons deprived of liberty (PDLs), with access to learning opportunities. By offering a range of reading materials, the facility aims to support the well-being and educational development of PDLs. Furthermore, the incorporation of reading activities enables PDLs to earn time allowances for engaging in study, teaching, and mentoring,”
“On December 20, 2022, our National Headquarters ordered, or directed the Jail wardens in each region to participate in the opening of the establishment of joining library in jails,”
“We are very lucky because the Cordillera Administrative Region is invited to join and I went alone, as a result, we have to establish a library here in Baguio City Jail, it is not only for educational purposes but is also for a decongestion program so, by establishing this library, the Baguio City Jail is committed to changing lives and building a safer nation, exemplifying the transformative power of education and rehabilitation within the criminal justice system,” Ayangwa said.
Ipinaabot naman ni mayor Magalong ang kanyang pagbati sa mga likod nitong nagtrabaho na tagumpay at natupad ang programang City Jail- Male Dorm Library na mas higit na kailangan at naaayon sa mga Persons Deprived Liberty (PDL), hindi natin kailangan igawad ang mga parusa sa kanila, bilang public servant ay tungkulin natin na masiguro na mapanatili maayos ang kanilang buhay, matuto, malinis sa katawan at higit sa lahat ay magkaroon na rin ng libangan at madagdagan ang kanilang kaalaman sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga libro sa bagong tatag na silid-aklatan, sa pamamagitan ng inisyatiba na ito, mabibigyan natin sila ng kapangyarihan na magkaroon ng mga kasanayan at kaalaman na magiging mahalaga sa pagsasama sa lipunan, naniniwala ako na ang edukasyon at panghabambuhay na pag-aaral ay kailangan natin maging ito man ay nasa loob ng bilangguan, “ani Mayor Magalong
Ayon naman kay Sol Go,”Ito ay isang kalasag o lipon para mabigyan ng magandang kaisipan at mapalawak pa nito lalo ang kanilang kaalaman sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga libro, ito ay nagsisilbing sagisag ng pag asa para sa mga PDLs, magbubukas sa kanilang kaisipan na mayron mundo na mas maganda pwera sa mundo na kinasaglakan nila sa ngayon,”
“Ang bawat isa sa atin ay may tungkulin na suportahan ang proramang ito upang magpatuloy para sa kapakanan ng mga PDLs,”
“Ipapaabot ko rin kay congressman ang malaking posibilidad na makahingi tayo ng tulong sa mga foreign foundation,”
“May mga foreign foundation tayo na we can tap dahil dati ay recipient kami nun ng Berkeleys School recipient kami ng mga donated books na galing sa abroad, siguro with this project ay gagawa tayo ng solicitation kung saan tayo maka request ng more donations na libro, not only sa foreign foundations kundi mayron rin tayo mga local na mga publishers, kapag nasa eskwela kami we will contact them and I for one can communicate with them na there is a thing na magandang proyekto na pwedeng bigyan nila ng part of their CSR, napakaganda ng mga libro ng ating local publishers at maging yun sa mga civic organization ay pwede rin natin sila mahingan ng tulong mai-suggest natin ito dahil I’m sure na maraming gustong tumulong na mga civic organization, pagtatapos ni Sol Go. Photos by: Mario Oclaman //Filipino News Sentinel