Ayala Group nakatanggap ng internasyunal na pagkilala sa COVID-19 response

Nakatanggap ang Ayala Group of Companies ng Award of Merit mula sa 2021 Gold Quill Awards ng International Association of Business Communicators sa aktibong pagtugon at pagtulong ng grupo sa gitna ng pandemyang dulot ng COVID-19.

Ang Ayala ang natatanging business group sa Pilipinas na kinilala sa COVID-19 Response & Recovery Management and Communication category dahil sa lubos at tuloy-tuloy nitong pagkalinga sa ecosystem na binubuo ng mga empleyado, partner, customer, at sa karaniwang Pilipino na labis na naapektuhan ng pandemya.

Sa nakaraang Mayo, nakapaglaan na ang Ayala Group ng mahigit P16 bilyon para sa iba’t ibang COVID-19- response initiatives.

Para mapabuti ang healthcare sector, umalalay ang Ayala sa public sector upang i-boost ang testing capacity ng bansa sa pamamagitan ng pagtatayo ng biosafety laboratories at COVID-19 testing booths.

Nag-donate rin ang grupo ng RT-PCR machines at medical supplies sa iba’t ibang local government units.
Kasama ang ilang pribadong kompanya, kinonvert ng grupo ang World Trade Center sa isang megaisolation facility sa loob lamang ng pitong araw last year.

Sa ilalim ng iba’t ibang tripartite agreements kasama ang gobiyerno, naglaan ang Ayala ng 1 million doses ng COVID-19 vaccine para sa kanilang empleyado at iba pang stakeholders. Sa pagdating ng mga bankuna, i-a-administer ng AC Health ang mga bakuna sa 24 vaccination sites sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa gitna ng idinulot na economic crisis ng COVID-19, patuloy na sinuportatahan ng Ayala ang libo-libong empleyado ng grupo lalo na noong kasagsagan ng mahigpit na lockdown. Malaki ang naitulong ng rent condonation ng Ayala Land upang ma-sustain ng mall merchants ang kanilang operasyon. Bukod pa rito, sa tulong ng Caritas Manila at Philippine Disaster Resilience Foundation, nanguna ang Ayala sa private sector-led consortium kung saan nakalikom ito ng P1.7 bilyong halaga ng grocery vouchers at in-kind donation na naipa-abot sa 14 milyong indibidwal sa Greater Manila Area. Sa gitna ng pandemya, patuloy din ang Ayala sa paghikayat ng foreign at local investments upang tulungang makabangon ang ekonomiya ng bansa.

“We truly appreciate this recognition for our COVID-response initiatives. We owe this feat to the strength of the Ayala community, where employees and leaders work together with our various stakeholders to bring to life our commitment to nation-building and continue to improve people’s lives despite the deep impact of the pandemic,” pahayag ni Chief Human Resources Officer John Philip Orbeta.

Bisitahin ang IABC website para sa kumpletong listahan ng mga nagwagi sa 2021 Gold Quill Awards:
https://gq.iabc.com/Home/2021-Gold-Quill-Awards-Excellence-And-Merit-Winners.

PRESS RELEASE