Apat na high-value na indibidwal arestado sa drug bust

Apat na high-value na indibidwal arestado sa drug bust

Lungsod ng Baguio – Inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Baguio ang 4 na high-value na indibidwal sa isang buy-bust operation sa loob ng residente ng mga suspek sa Barangay San Vicente Baguio City bago maghatinggabi ng Hunyo 18, 2024.

Kinilala ang mga suspek na sina Ricardo Manuzon, Darwin Tobias, Mary Rose Levite, at Kreesha Mae Dacumos na pawang nakatira sa parehong address. Sa inisyal na ulat, sinabi ng isang poseur buyer agent na bumili ng 1 kilo ng marijuana kay Tobias na may tinatayang halaga na P120,000.00 sa loob ng inuupahang apartment.

Nang matapos ang deal, sumunod ang kabilang team at inaresto ang mga suspek. Isa pang kilo ng marijuana ang nakita sa ibabaw ng mesa kasama ang isang itim na pouch na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Samantala, sa frisking, isang vape na naglalaman ng hinihinalang shabu ang nakuha kay Manuzon. Nakikita rin sa mesa ang mga drug paraphernalia kasama ang ginamit na aluminum, isang improvised tooter, isang weighing scale, gunting, at sari-saring maliit na plastic packaging. Narekober sa bulsa ni Manuzon ang buy-bust at boodle money nang mag-frisking.

Tinatayang nasa P300,000.00 halaga ng iligal na droga ang nakumpiska sa grupo. Isasailalim sila sa drug test at maikukulong sa PDEA Regional Office para sa kaukulang dokumentasyon habang ihahanda ang mga kasong paglabag sa section 5 tungkol sa section 26 & 11 ng Article 2 ng RA 9165 laban sa mga suspek. Mga larawang kuha ni Darius Bajo

admin