Apat na Dating rebelde ang nakatanggap ng livelihood assistance mula sa DOLE

Apat na Dating rebelde ang nakatanggap ng livelihood assistance mula sa DOLE

Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet – Iginawad ng Department of Labor and Employment (DOLE) – CAR ang Php 30,000.00 halaga ng tulong pangkabuhayan sa apat na dating rebelde na bumalik sa batas ng pamahalaan.

Sa ginanap na Awarding of Livelihood Assistance Ceremony sa Masigasig Grandstand, Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet noong Hulyo 12, 2022.

Pinangunahan ni DOLE-CAR Regional Director Nathaniel V. Lacambra at tinulungan ni PROCOR Regional Director PBGEN RONALD O. LEE ang paggawad at pamamahagi ng tulong pangkabuhayan para sa mga nagbalik-loob sa pamahalaan.

Kasama ang presensya  sa seremonya ang iba pang miyembro ng PROCOR Command Group: Deputy Regional Director for Administration, PBGEN JOHN C CHUA; Deputy Regional Director for Operations, PCOL BENJAMIN DL SEMBRANO; at Chief Regional Staff, PCOL ELMER E RAGAY.

(Litrato sa itaas mula kaliwa – kanan) Sa programa, ang mga dating rebelde ay nakatanggap ng kanilang gustong livelihood assistance tulad ng Milk Tea Shop, Motorcycle Parts and Accessories Shop, Feeds Selling Business, at ang Vulcanizing Shop.

Si “Nanay Doms”, isang dating miyembro ng Militia ng Bayan (MB) ay nakatanggap ng iba’t ibang sangkap, materyales, at makinarya para sa kanyang Milk Tea Shop.

Si “ALEX” naman na dating Bandila, NPA sa Bario ay nakatanggap  ng iba’t ibang parts ng motorsiklo, accessories, likido, at kasangkapan para sa kanyang Motorcycle Parts and Accessories Shop.

Si “JOEY” na dating team Uno ng KLG Montes ay nakatanggap ng  samu’t saring swine feed para sa kanyang Feeds Selling Business.

At si “YOJI” na dating pinuno ng pangkat ng Platoon Galis ng Chadli Molintas Command sa ilalim ng KLG AMPIS ay nakatanggap ng mga pangunahing kasangkapan at makinarya para sa kanyang Vulcanizing Shop.

Sa tulong sa kabuhayan, ang mga dating rebelde ay inaasahang magsisimulang muli at magbibigay-daan sa kanilang muling pagbabagong buhay at pagsasama sa komunidad.   Mario D. Oclaman /FNS with PROCOR reports

Mario Oclaman