Ang nakaraan ay lumisan na nang lubusan … ( Episode 03)
Sa pamamagitan ng malungkot na pag-iisip-isip sa nakaraan at sa mga trahedya nito , ang sinuman ay naglalantad ng isang anyo ng pagkabaliw – isang uri ng sakit na nagwawasak sa kapasiyahan na mabuhay sa pangkasalukuyan sandali , yaong mayroong matatag na layunin ay nagtalaksan ng patapon at kinalimutan ang mga pangyayari ng nakaraan , na hindi na kailanman makakakita ng liwanag , sapagkat ito ay umuukupa ng madilim na lugar sa kaibuturan ng isipan Ang mga kuwento ng nakaraan ay tinutuldukan , ang kalungkutan ay hindi makapagpapanumbalik sa mga ito , ang kapanglawan ay hindi makakagawa sa mga bagay na maging wasto , at ang kalumbayan ay hindi kailanman makapagpapanumbalik sa nakaraan sa buhay ( na ito ) ito’y sa dahilang ang nakaraang ay hindi na nananatili pa.
Huwag mabuhay sa masamang panaginip ng unang panahon o sa ilalim ng anino ng iyong nalagpasan , iligtas mo ang iyong sarili sa tila multong pagpapakita ng nakaraan , napag-aakala mo ba na maibabalik mo ang araw sa kanyang lugar ng pagsikat , ang sanggol sa sinapupunan ng kanyang ina , ang gatas sa kanyang susu , o ang mga luha sa mata? Sa patuloy na pamumuhay sa nakaraan at sa mga pangyayari nito , iyong inilagay ang iyong sarili sa pinaka-nakatatakot at kalunos-lunos na kalagayan ng isipan .
Ang labis na pagbabasa sa nakaraan ay isang pag-aaksaya sa pangkasalukuyan , ng si Allah ay bumanggit sa pangyayari ng nakaraan nga bayan ( bansa ) siya ang kataas-taasan ay nagwika :
Sila ang mga tao ( pamayanan ) na nagsipanaw na (quran 2:132)
Ang nakaraang araw ay lumisan at natapos na , at ikaw ay walang mapapakinabangan sa paggawa ng isang awtopsiya sa mga ito , sa pamamagitan ng pagbabalik-muli sa gulong ng kasaysayan .
Ang tao na nabubuhay sa nakaraan ay katulad na isa na nagtatangka na makikita ng kusot sa sinauna , nakahiratihan nang sabihij ”huwag mong alisi ang patay sa kanilang libingan .
Ang ating trahidya ay yaong tayo ay walang kakayahan na pakitunguhan ang nakaraan , na nagpapabaya sa ating magagandang kastilyo , tayo ay nanganganis sa mga guhong gusali , kung ang bawat tao at bawat jinn ay magsasanib upang ibalik ang nakaraang , sila ay katiyakan na mabibigo , ang lahat ng nasa kalupaan ay nagmamartsa nang pasulong na naghahanda sa bagong klima at marapat mo rin gawin …