Ang Hari ng Komiks, “Coching” exhibit launch in SM City Baguio
UNTYING THE RIBBON. (From l-r) Michael Jason N. Peña-Asst. Mall Manager/SMBG, Ms. Samantha Jean Hamada- City Mayor, Chief of Staff, Mara Williamson – Coching Exhibit Organizer, Oscar Casaysay- NCCA, Executive Director, John Philip Baysac- Mall Manager/SMBG Photo by: Mario Oclaman //FNS
BAGUIO CITY – Francisco Coching is a renowned national artist known for contributing to Filipino comics. He played a pivotal role in shaping the golden age of Filipino comics from the 50s to the 60s. One of his most beloved creations is Pedro Penduko, which has been adapted into film and television.
Maikling isinalaysay ni Mara Williamson – Coching Exhibit Organizer, ang buhay ni Francisco V. Coching. Isinilang noong taon 1919, una niya nilikha ang komiks na Bing Bigatilyo sa magasing Silahis taong 1934, Nabigyan siya ng pagkakaton naging aprentis para sa magasing Liwayway para matutunan ang mga gawin sa paglalathala noong 1936, Naging ilustrador siya taong 1937 para sa mga sikat na nobelistang sina Hilaria Labog, Amado Yasona, Jesus Esguerra, J M. Perez at Gregorio Coching, lumikha siya ng mga pabalat para sa Liwayway at Silahis, noong 1939 naging aprentis siya sa patnubay ni Tony Velaquez kilala sa komiks na kenkoy, nilikha niya ang Mara-Bini para sa Hiwaga komiks noong taong 1941.
Sinimulan niya ang Hagibis sa Liwayway na nagpasikat sa kanya sa mundo ng komiks noong taong 1946.
Sumulat siya para sa Pilipino Komiks sa tradisyon ni Tony Velasquez noong 1948, ang komiks niyang Dimasalang na naging pelikula ay nanalong Best Picture sa ikalimang Manila Film Festival noong 1970.
Nagretiro siya sa edad na 54 matapos makalikha ng 63 nobelang komiks noong 1973.
Noong 1987 ay dito na exhibit ang kanyang mga likha sa Nayong Pilipino.
Yumao siya noong taong 1998 sa edad na 79.
Ngunit hindi doon nagtatapos ang mga likha ni Coching dahil noong 2008 ay kinilala ang kontribusyon niya sa kultura at sining ng Pilipinas ng Gawad CCP para sa Sining.
Noong 2009 ay muling inilathala ng Vibal Foundation bilang graphic novel ang kanyang El Indio, at inilathala rin ng Vibal Foundation ang The Life and Art.
Noong 2014 ay itinanghal siyang Pambansang Alagad ng Sining para sa Sining-Biswal, at isinagawa ang exhibit ng NCAA na F.V. Coching, Komiks at Kultura sa Ayala Museum.
Noong 2020 ay muling nailathala bilang graphic novel ang pamagat na “Ang Kaluluwa ni Dante” na unang lumabas noong 1949 sa Pilipino Komiks.
“Ngayon ay labis akong nagpapasalamat sa SM mula sa Manila at hanggang dito sa SM Baguio dahil nabigyan kami ng pagkakataon para mai-exhibit natin at makita nila ang mga likha ni Coching sa mga taong hindi pa nakakakilala kay Francisxo Coching ay inaanyayahan namin kayo puntahan dito sa SM City Baguio, Upper Ground Area between Nanyang and Mary Grace naka display ang kanyang mga likhang komiks, nag umpisa ng Marso 15 hanggang sa Marso 24, 2024, nagpapasalamat rin ako sa presensiya ng NCAA na narito ngayon,”
“Sa panahon natin ngayon ay may isa pa ako na ipinagmamalaki, ito ay isang anak ni Francisco Coching, siya ay si Lourdes Coching-Rodriguez na isang portrait artist ng mga presidente mula kay Marcos Sr. hanggang sa pagpinta nito sa mga opisyal na larawan nina dating Pangulong Benigno Aquino III, Cory Aquino, Fidel V. Ramos, at Joseph Estrada na ito ay makikita na naka display sa Malakanyang at hanggang ngayon ay ginagawa niya rin ipinta ang larawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.,” pagtatapos ni Williamson
Sa mensahe naman ni SM City Baguio Assistant Mall Manager Jason Peña, “It is with great pleasure that I welcome you all to the launch of the Coching Art Exhibit here at SM City Baguio.
“We are honored to showcase the works of one of the Philippine’s most celebrated National Artist, Francisco Coching,
“Coching’s art is a testament to the rich cultural heritage and artistic excellence of the Filipino people. His masterful use of line and form, coupled with his profound storytelling ability, has captivated audiences for generations,”
“As we embark on this journey through Coching’s art, let us not only appreciate the beauty of his creations but also reflect on the stories they tell and the emotions they evoke. Art has the power to transcend boundaries and connect us on a deeper level, and I believe that this exhibit will do just that,”
“I would like to extend my heartfelt thanks to all the artists, organizers, and sponsors who have made this exhibit possible. Your dedication and passion for the arts have truly brought Coching’s work to life in a magnificent way,”
“I invite you all to immerse yourselves in the world of Coching’s art and to experience the beauty and wonder it has to offer,”
Naghatid ng mensahe si Samantha Jean Hamada – Chief of Staff, City Mayor na kinatawan ni Mayor Benjamin Magalong.
“This exhibit is a testament to the Filipinos never forgetting where it all started and I hope this exhibit will be a platform for inspiration to other artists, to my right word they can develop their skills more and have opportunities like our National Artist Coching has, I hope with all your support will be able to perhaps maybe see another National Artist in the future for a traditional arts and the same field,”
Sa inspirasyon na mensahe ni Oscar Casaysay- NCCA, Executive Director, “ Natutuwa kami upang bigyang pugay at alalahanin ang likhang sining ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Sining Biswal na si Francisco Coching sa ganitong lente nais kong tingnan ang sining, sa ganitong pagsipag at nais kong paglapit sa kakayahan ng Obra ng ating Pambansang Alagad ng Sining na kung saan tinutunghayan nga ang lipunan na may kakayahan pag-isahin ang bayan at may tungkulin na umaalala at isalaysay ang kuwento ng mga dinudusta at mga inaapi, napakalalim ang mga kahulugan nito ng ating National Artist sa kanyang mga nobela at sa kanyang mga likha,
Hinirang at pinarangalan natin si National Artist Francisco Coching bilang Pambansang Alagad ng Sining hindi lamang dahil sa higit limampung serye na kanyang nagawa kaya tinawag natin siyang King of Komiks, dahil siya ang nagpahiwatig ng lokalisasyon na pagiging Pilipino at ang pagiging maka-masa, sa kanyang mga likha lumago ang industriya ng komiks sa ating bansa upang maging inspirasyon at literal bilang pelikula naging parte rin ang pag-unawa sa ating bansa,”
“Kaya ngayon Marso ay selebrasyon ng mga Kababaihan at ito ay nakikita natin sa kanyang mga obra na pinagpupugayan din niya na gampanin ang mga kababaihan ng ating bayan at masasabing yun talaga ang obra ng ating National Artist.”
“Sa kanyang mga likha gaya ng Mara Bini at Talipandas inaangat niya ang kakayahan ng mga kababaihan, mga babaeng ipinagtatanggol ang kanilang sarili, mga babae nakakatayo para sa sarili at para sa nakakarami, mga babaeng hindi na kailangan magtago sa anino ng mga lalake, ganun ang pananaw ng ating National Artist, napaka advance ang kanyang pananaw mula sa kanyang panahon,” ani Casaysay
Lipos sa kasiningan ang malamyos na damdaming bumabagtas sa samut-saring midya, lumulundag sa mga teknolohiya, at humahapit sa ibang ekspresyon. Mula kuwento hanggang guhit patungo sa pelikula, ipinamamalas ang malawak na mundo ni Coching sa tinta, kulay, at pilak hanggang makaabot ito sa mabunying pandama ng mga tagasubaybay.
Sa apat na dekadang paglikha ni Francisco V. Coching, nakapaglathala siya ng animnapu’t tatlong nobela ng komiks. Halos lahat ng mga ito ay naging pelikula at pumatok sa takilya. # Mario Oclaman //FNS