ANDREW E. in GRAND PANAGBENGA RAP CONCERT set on Feb. 24
BAGUIO CITY – (February 23, 2023) – Ang pagbabalik ni icon rapper Andrew E. bilang tanyag na King of Tagalog RAP ay maghahandog ng isang Grand Panagbenga Concert kasama ang Dongalo Wreckords & Locally Various Artist na gaganapin sa Baguio Convention & Cultural Center sa February 24, (Friday) @ 7 PM.
Sa ginanap na press con (Thursday) sa Safari Lodge, naunang ipinakilala ni Andrew E. ang kanyang mga kasama Dongalo Wreckords ang MANANABAZZ from Ilocos Norte, MC KRAINE at CRAZZY G from Pampanga, HI JAKKK from Quezon, 3 DIGITS from Davao, JOAN and ENDANG from Vienna Austria, and KRUZZADA.
Sinabi ni Andrew E., “I stand corrected, 23 years ago was the last time were here but that is not correct, the last time na I really had the great time bukod dun was because of the very first time that was 35 years ago nung una ko kinanta ang Andrew Ford Medina dito sa Baguio for your information, hindi pa nalalaman ng Pilipinas ang Andrew Ford Medina kinanta ko na ito sa Spirit Disco, kaya nagkagulo noong 1989 nang kinanta ko ang Andrew Ford Medina, sobra ang crowd, sigawan, nagkagulo halos magiba ang kisame ng Spirit Disco. That’s the reason why mas malapit sa puso na mga taga Baguio ang Andrew Ford Medina kesa sa Humanap ka ng Pangit, kasi mas una nila na meet si Andrew Ford Medina kesa Humanap ka ng Pangit,”
“Ang concert na ito ay spearheaded by Girlie May G. Fangki as producer with the help ni Ma’am Girlie ay may pagkakataon na in between time na pandemic lahat ng sakripisyo at dusa nagawa, maano ba naman suklian natin ng kaligayahan para maibsan yun kanilang hirap at makalimutan ang kanilang problema habang nagkakasiyahan tayo sa pamamagitan ng paghahandog namin ng mga awitin, by one day, one night yun ang adhikain ni ma’am Girlie,”
“Ang ticket naman natin ay irrelevant kasi yun ticket natin is a symbol for other chances or other people to help other people also kasi yun malilikom diyan ay itutulong din ni ma’am Girlie sa ibang mga paraan para sa ating mga kababayan so, for us hindi measurement ito kung ano ang kikitain, ang ating adhikain ay ang makapagpaligaya naman tayo ng tao so together with me, together with her yun ang adhikain namin dalawa, kaya don’t missed the chance for us,” ani Andrew Ford. Photos by: Mario D. Oclaman // FNS