AASENSO tuloy-tuloy ang serbisyo para sa H.E.L.P.

AASENSO tuloy-tuloy ang serbisyo para sa H.E.L.P.

BAGUIO CITY . (April 1, 2022) – Muling pinatunayan ng mga miyembro ng GRACE Guardians Baguio City Chapter ang kanilang mga tungkulin, na kung saan ay patuloy na isinusulong at sinusuportahan ang “Ating Agapay Sentrong Samahan ng mga Obrero” o ang AASENSO Partylist,  subok na sa mga gawaing paglilingap noong nabigyan ng pagkakataon maupo sa kongreso ay nakakitaan ito ng magandang performance dahil  ang AASENSO  ay hindi lamang pang pulitika kundi patuloy na pinangangalagaan at natutulungan ang mga may karamdaman, maayos na edukasyon sa mga estudyante, kabuhayan sa mga kapuspalad at mabigyan ng proteksiyon ang karapatan ng mga tao na ito ang mga pangunahing adbokasiya na itinataguyod ng AASENSO, ang  Health, Education, Livelihood at Protection of People’s Rights, (H.E.L.P.)

Noong April 1, 2022 (Friday) ay may humingi ng tulong na mula sa Maria Basa, Pacdal sa residente ni Tess Marie Bayuga humihiling ng wheel chair para magamit ng kanyang ina na si Prisca Medina Almadrigo na ipapa laboratory test at maipa check-up sa Beguio General Hospital Medical Center.

Sa pakikipag-ugnayan kay Ma. Teresa FRLG “ATTY” M. Arnedo at sinaksihan nina Santiago FRMG “CAPARIES” C. Regidor at Jose Pepito FGRF “KA PITONG” P. Wagan ay mabilis na natugunan ang kahilingan na kinuha ang wheel chair sa tahanan ni Metodio FGRF “JOEL” J. Aquino at maayos na naindorso kay Mario FRMG “DRAGON AMOR” D. Oclaman ang wheel chair para dalhin sa pasyente.

Labis ang kasiyahan ng pasyente ng magamit na niya ang wheel chair.

Ayon sa pasyente, “Matagal akong nagtitiis na nakaupo sa monoblock chair, hindi ako mapalagay na makaupo ng maayos parang mahuhulog ako, pero ngayon salamat sa Panginoong Diyos may taong kinakasangkapan ang Diyos para magbigay ng tulong sa mga taong nangangailangan tulad ko, hindi ko akalain na ang bilis ng serbisyo nyo sa AASENSO, maraming maraming salamat sa inyo lalo na sa namumuno at namamahala ng AASENSO hindi ko po kayo malilimutan sa ibinigay niyo tulong sa akin, ang tanging maigaganti ko lang ay dalangin ko na pagpalain pa po kayo ng Panginoong Diyos,” pagtatapos ni Prisca

Maalaala noong nabanggit ni AASENSO and GRACE Guardians Chairman Atty. Isagani R. Nerez  

“Whatever is needed ng ating mga kababayan sa Baguio when it comes to this kind of equipment, then yes AASENSO is more than willing to share more, I would like to emphasize and to say it clearly na AASENSO is more willing to help lalo na dito sa Baguio.”

“Because AASENSO ay Baguio base, alam natin na up to this time AASENSO is the only partylist group or organization dito sa Cordillera.

“Ang ating AASENSO ay na create ito primarily for the people of Baguio and people of Cordillera kaya magpapatuloy ang ating misyon ang layunin na makapaglingkod higit lalo sa mga kababayan natin.

“Simula pa noon naunang pinalad ang AASENSO nang mabigyan tayo ng pagkakataon maupo sa kongreso ay batid ng Mahal na Panginoon na hindi natin pinabayaan ang maglingkod halos sa iba’t-ibang sulok ng bansang Pilipinas ay nariyan tayo na umaagapay sa ating mga kababayan,”

“Hanggang ngayon ay nagpapatuloy ang ating gawain sa tulong na rin ng mga BRO’s at mga Sister’s ng bawat Chapter natin mula Luzon, Visayas at Mindanao ay may mga pagkusa kayong ginagawa para sa serbisyo na paglingkuran ang mamamayan,”

“At kung makabalik ang ating AASENSO sa kongreso ay mas higit pa dito ang magagampanan natin pagtulong at magkaron ng additional source para magamit sa Health, Education, Livelihood at additional fund for the betterment of our kababayan dito sa Baguio,” ani Nerez.   Mario D. Oclaman //FNS

Mario Oclaman