Apat na tig P25 milyon na paaralan, itatayo sa probinsya ng Benguet – YAP

Apat na tig P25 milyon na paaralan, itatayo sa probinsya ng Benguet – YAP

Photos by: CTTO Benguet Congressional DISTRICT Office

Itogon, Benguet – Pinatunayan ni Benguet Caretaker Congressman Eric Yap ang kanyang mga naunang pangako noong August 2020 matapos maisagawa ang groundbreaking ng dalawang palapag at anim na classroom sa Midas Elementary School, Itogon, Benguet at ngayon taon nagkaroon na ng katuparan matapos mai turnover na ito noong January 25, 2022.

Sinabi ni Cong Yap, “Importante po sa akin ang edukasyon, dahil ang kabataan po ang kinabukasan ng ating probinsya,”

“Pinondohan natin ito upang mapatayuan agad ng paaralan,  two years ago ng ma inaugurate at ngayon ay nai turnover na, importante ito kahit wala pang face-to-face classes ay dapat tayong maghanda pagkatapos ng pandemic ay talagang babalik tayo sa normal at kailangan pagbalik natin sa normal kailangan maayos na ang paaralan natin,”

“Ngayon taong 2022 ay apat na tig P25 milyon na paaralan ang ating itatayo dito sa ating probinsiya sa Benguet,” pagtatapos ni Yap

Samantala labis naman ang pasasalamat ng mga magulang at mga guro kay Congressman Yap dahil nabibigyan ng atensyon ang edukasyon ng mga estudyante at nahihimok pa niya ang mga kabataan para magsumikap mag-aral lalo na’t nadagdagan ng mga classroom sa kanilang paaralan.   Mario D. Oclaman /FNS

Mario Oclaman