Chinese New Year activities sa Baguio, kinansela – Peter Ng
BAGUIO CITY – (January 31, 2022) Personal nakapanayam ng Filipino News Sentinel si Ginoong Peter Ng – Presidente ng Baguio Filipino-Chinese Chamber of Commerce, Inc. at isa rin kilalang pilantropong negosyante at General Manager ng Convention Hotel Supreme sa lungsod ng Baguio.
Bukas, Ika-1 ng Pebrero ang pagdiriwang ng Chinese Lunar New Year sa lungsod ay muling nagdeklara si Peter Ng kaugnay sa mga activities ng Chinese New Year tulad ng gift giving sa ilang barangay, dragon dance pag visit sa mga kapwa chinese business enterprise at ang Chinese New Year Grand Parade na kung saan ay kanselado muna ngayon taon.
Ayon kay Ng, ”Bilang pagsunod sa alituntunin ng city government dahil nasa Alert Level 3 tayo ngayon dito sa Baguio from February 1 – 15 ay pinapaiwas muna tayo sa mga gatherings at maging sa mga barangay community at hindi rin kami maka organize kasi lahat kami mga nasa EXECOM ay umiiwas sa mga meetings kaya wala kami opportunity to meet one another, ginagawa namin ito upang hindi kami magkahawa-hawa dahil noong nakaraan buwan lang ay halos karamihan sa Execom namin ay nagka infect at ganun rin ako nagpa quarantine ako ng 20 days noong nakaraang buwan lang.ng Disyembre 2021.
“Ngunit may mga napag usapan kami thru virtual meeting na plano namin mga nasa EXECOM itong darating na June 9, 2022 ay isasagawa ang Philippine-China Friendship day at isasabay na rin namin yun bagong development sa Botanical Garden yun Baguio Filipino – Chinese Friendship Garden, may ginawa kaming isang event place na inayos at pinaganda ang lugar na binigay ng city government sa amin so, hopefully pagka-maganda na yun sitwasyon at makaluwag na tayo sa pandemiya, we will invite the consul from Laoag to grace our occasion and of course the city officials of Baguio,”
“Ang Year of the Water Tiger is a good year, dahil ang water tiger ay sumisimbolo sa pagbuti at paglago, makakaasa ka ng magandang kapalaran sa mga relasyon at buhay pamilya. Maaaring asahan ng mga tiger na magtagumpay sa kanilang karera nang may pagsusumikap at determinasyon.
Kaya kailangan pa rin natin maging masipag, matulungin, nagmamahalan at pag-galang sa isa’t-isa, I think this year is a good year para sa ating lahat,”
“Ang mensahe ko sa aking mga kababayan ay ipagpaumanhin at maunawaan niyo ang kalagayan natin na hindi tayo makakapagdiwang ng Chinese New Year ngayon, mag isip tayo ng positive thinking, isipin natin na this pandemic, this maybe the start of the end of this pandemic, kaya hopefully we can recover and so we can start all over again.
“On behalf of the Filipino-Chinese Community, we wish all of you a Happy Chinese Lunar New Year, Kung Hei Fat Choi to all,” pagtatapos ni Ng,” Mario D. Oclaman //FNS