Magnilay-nilay at maging Mapagpasalamat
Alalahanin ang mga kagandahang-loob ni Allah sa iyo at kung paano ka pinalilibutan nito sa itaas at ibaba tunay nga sa bawat direksyon ( at kung inyong bibilangin ang mga pagpapala {biyaya} ni Allah kailanman ay hindi ninyo ito magagawang bilangin.
( 14:34 alqor’an )
Ang kalusugan,kaligtasan,pagkain,kasuutan,hangin at tubig ang lahat ng ito ay tumuturo sa mundo na nabibilang sa iyo, magkagayunman, ito ay hindi mo napag-aakala. Angkin mo ang lahat na maibibigay ng buhay, magkagayunman (ikaw) ày mananatiling mangmang.
At saganang iginawad niya sa inyo ang kanyang kagandahang-loob {biyaya} na {kapwa}lantad at nalilingid
(alqor’an 30:20)
Nasa iyong kapasiyahan ang iyong magkabilang mata, ang dila, ang mga labi, dalawang kamay at dalawang binti. Kaya’t alinman sa mga kaloob ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa { O MGA JINN at TAO }
(al qor’an 55:13)
Mailalarawan mo ba ang iyong sarili na walang mga paa? Matatanggap mo ba ito ng magaan na ikaw ay makakatulog ng mahimbing habang ang kahirapan ay nakakahadlang sa pagtulog ng marami? Marapat mo bang kalimutan na binubusog mo ang iyong sarili ng parehong masarap na pagkain at malamig na tubig habang ang kasiyahan ng mainam na pagkain at inumin ay imposible sa ilan? Dahilan sa karamdaman at sakit? Iyong isaalang-alang ang kakayahan ng pandinig na ipinagkaloob sa iyo, masdan ang iyong malulusog na balat at magkaroon ng pasasalamat na ikaw ay iniligtas sa mga sakit na umaataki rito.
Magnilay-nilay sa iyong kapangyarihan ng pangangatwiran at alalahanin yaong nagdurusa sa karamdaman ng pag-iisip, iyo bang ipagbibili ang iyong kakayahan na makarinig at makakita bilang kapalit ng timbang ng bundok na ginto , o ang iyong kakayahan na magsalita bilang (kapalit ) ng malalaking kastilyo? Ikaw ay pinagkalooban ng saganang biyaya , gayunpaman , ikaw ay nagdadahilan ng kamangmangan , magnilay-nilay at maging mapagpasalamat, ( at gayundin sa inyong mga sarili ay may mga tanda , hindi baga ninyo nakikita ?
Al ( qor’an 51:21 )
Magnilay-nilay sa iyong sarili , sa iyong pamilya , sa iyong mga kaibigan , at sa buong mundo na nakapaligid sa iyo.
(Nababatid nila ang pagpapala ni Allah , datapuwat itinatawa nila ito , sa pamamagitan ng pagsamba sa mga iba tangi pa kay Allah .
(Qor’an 16:83 .)