PROCOR RD PBGEN LEE panauhing pandangal sa RMFB15 Stakeholders Night

PROCOR RD PBGEN LEE panauhing pandangal sa RMFB15 Stakeholders Night

CAMP MAJOR BADO DANGWA, La Trinidad, Bneguet –  Matapos ginanap ang 6th Regular Battalion Advisory Council (BAC) Meeting na pinangunahan ni Baguio City Councilor and BAC Chairperson Vladimir Cayabas at ni Force Commander, RMFB15 PCOL Joshua Alejandro na dinaluhan rin ng iba’t-ibang sector mula sa Academe, LGU’s, Business, Government, Seniors,  NGO’s, Religious, Health, Womens, LGBT, Youth at Media ay nabigyan ng pagpapahalaga ang bawat isa na nag contribute ng kanilang dedikasyon at mga nagawa sa loob ng isang taon na pagiging aktibo sa Regional Mobile Force Battalion 15 (RMFB15).

Ito ay upang kilalanin ang mahalagang papel ng mga stakeholder ay sinimulan ng RMFB15 ang pagtatanghal ng Stakeholder’s Night na ginanap sa PROCOR Log Cabin, Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet noong December 7, 2021.

Dinaluhan ni PBGEN RONALD OLIVER LEE, PROCOR Regional Director bilang panauhing pandangal.

Nabigyan ng Token of Recognition sina Ms. Donna Digna S. Rosario at Nestor A. Mariano Jr. Maging sa (Institutional) ay nabigyan ng Token of Appreciation ang DSWD-CAR, CHED-CAR, Our Lady of Mount Carmel Montessori, YMF Cordillera, BAYANIHAN Cordillera, TESDA-BENGUET at University of Baguio. Sa (Individual) naman ay nabigyan rin ng Token of Appreciation sina Angelie Pamela Cariño, Kristine Molitas, Clifford Busacay, Melchor Cuyajon, Rudel Latuhan, Arnold Tidoy, Ricky Ducas, Ruth Roniela Reyes, Jayrous Cuilan, Rosalie Maria Rachel Castañeto at Mario Oclaman.

Mula kay BAC Chairperson  Vladimir Cayabas ay tinanggap ni Rosalie Maria Rachel C. Castañeto ng ZONTA Club, Baguio ang Certificate of Appreciation bilang tagapagsalita na ibinahagi ang napakahalagang paksa kaugnay sa “Gender and Development.”

Labis naman ang papasalamat ni PBGEN LEE sa patuloy na pagtutulungan at koordinasyon ng mga stakeholders sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

“I look forward to working with you hand in hand in surpassing our previous accomplishments. Rest assured that the efforts you invested in us will be valued as we continually perform our missions and mandates,” dagdag ni PBGEN LEE.    Mario Oclaman / FNS

Mario Oclaman