“Struggle is real”

Struggle is real. Bilang ofw kinakailangan matutunan ang linguahe na ginagamit sa bansang iyong pupuntahan. Kung hindi man ay kinakailangang marunong kang makipag-usap sa Ingles. Mahabang pasensya at malawak na pag intindi ang kinakailangan. Para sa mga kababayan natin, eto ay isa sa mga hadlang na kinakailangan nilang pagpunyagian. Karamihan sa mga hadlang sa wikang eto ay nararanasan ng mga kababayan nating nagsisilbi sa loob ng bahay. Ilan sa mga halimbawa ay ang mga sumusunod.

   “ Auntie we are going out! Eat yourself okay?” -Anonymous

   “Isa sa mga argument namin ni amo eh sabi niya give a vast. Akala ko sinusuot na na vest. Yun pala eh vase lalagyan ng bulaklak.” -Jonabelle

   “Sabi ng madam ko dati kill the fire ibig sana sabihin close the gas.” -OFW Lifestyle

   “Ka OFW’s buti na lang matalino tayo. Sabi din ng madam ko give me slippery (slipper) where baby head daw. Haay sumbrero.” -Vilma Padilla Domingo

   “Amo ko dati sabi sa akin I go outside the eat yourself ok. Nakanga nga lang ako iniisip ko anu ibig sabihin ni madam eat yourself.” Aia Dimasendel

   “Nakakarelate talaga pag ofw ka. Naranasan ko din sa madam ko yung you’re hungry, eat microwave. Yun pala ang pagkain nasa loob ng microwave pinainit na nya.” -A A Ajaa Reponte

   “Yung amo ko dati kase nagluluto siya, sabi niya Rose give me the flower, eh ako naman first time mag-abroad, pumunta ako sa labas hinanap ko yung flower. Pagbalik ko bitbit ko bulaklak sabi ko madam here your flower. Galit na galit sya kase ang tagal ko bumalik yon pala nasa aparador lang yon di ko alam flour pala yon!” -Eilasor Alcala Alibango

   “Relate much kabayan, sabi ng amo kong babae.. “ Bukrah you cook baba for breakfast” (Bukas iluto mo yung amo mong lalaki para sa umagahan). Tapos, “ Go inside talaja (ref) and give water.”” -Mahruhk Mahruhk

Ilan lamang eto sa mga nakakatawang karanasan ng mga kababayan natin ukol sa mga hadlang sa wika. Gayun pa man madami sa kanila ang napagalitan ng kani-kanilang mga pinagsisilbihan. Ngunit heto rin ang isa sa mga karanasan nilang hindi makakalimutan at nagpapatawa sa kanila sa tuwing kanilang naalala. Hindi rin maiwasan ng ibang mga kababayan ang magkomento ukol dito:

   “Kaya nga matalino mga ofw kase mataas ang I.Q nila pagdating sa mga madam.” -Cherry Lagdameo

   “Yung magaling sa logic hindi yung nakakaintindi lang ng English dahil pagdating mo dun ikaw ang mabobobo dahil logic pala ang mga tanong ni madam, pag-iisipan muna ng mabuti bago gawin.” – Augustinus Zoe

   “Kase mautak tayo eh marunong tayo umintindi kahit anu pang paikot ikot ang sabihin ng amo kaya natin intindihin.” -Aenafe Ganaban

   “Kelangan mabilis yung utak mo at magets mo agad yung English nila. Yung tipong habang naglalakad iniisip mo kung anu ba yung sinasabi niya.” -Mahrukh Mahrukh

Mahirap man sa atin ang magsalita ng Ingles ngunit hindi naman tayo nagkulang sa pag intindi. Sa mga kababayan nating nahihirapan sa Ingles ngunit mas nahihirapan umintindi sa mga taong kanilang pinagsisilbihan taas noo sa inyo. Sa mga ganitong pagkakataon nasusubok ang inyong pasensya sa pag intindi sa kanila at pagbibigay ng paliwanag sa mga nararapat na pag gamit ng Ingles sa pakikipag usap. Kaya naman para malagpasan ang mga ganitong sitwasyon ay may payo ang isa sa mga kababayan natin.

“Tayo naman yung mag aadjust sa para sa kanila di ba! Open minded ka dapat at lagi kang alerto sa iyong paligid”.

Isang payong hindi lamang natin dapat gamitin sa mga sitwasyong may hadlang sa wika pagdating sa ating kausap ngunit kailangan din nating gawin sa lahat ng pagkakataon at kailangan natin intindihin na hindi lahat ng ating makakasalamuha ay hindi marunong ng linguaheng Ingles.

“One has to understand that not everybody, not every amu or boss can speak English well. A lot of them did not have college degree Slang language is different from formal English Many of them are also immigrants English pronunciations of words are the same but have different meaning like flour and flower. Flour is also pronounced as flower. We have to understand the many nuances of speaking English. Like amu means ammunition. Grab a pen means get a pen.” – Minz.

credit to the owner. https://quotesgram.com/img/language-barrier-quotes/347908/

admin