Pag-iilaw ng Christmas Tree sumisimbolo sa pagkaunlad ng Baguio sa gitna ng pandemya
BAGUIO CITY – Isang simpleng programa ang ginanap sa taunang tradisyon nito sa pagpapakita ng mga dekorasyon parol at ang pag-iilaw ng giant Christmas tree sa itaas ng Session Road bilang pagdiriwang sa kapanganakan ni Hesu Cristo tuwing ika-25 ng Disyembre.
Ang tema sa taong ito ay “Parol Story” na ayon kay City Planning and Development Office (CPDO) head Archt. Donna Rillera-Tabangin na kung ang selebrasyon ng 2020 ay tungkol sa isang Highland story, ang taong ito ay aabot sa mababang lupain sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga Christmas decor na hango sa ‘Parol Story’.
“Nagsimula ang programa sa Malcolm Square na dito ay isinagawa ang paraan ng pagdiriwang na may bonfire sa komunidad dahil ang mga kabundukan ay walang anumang parol ngunit ito ay ipinagdiriwang sa pamamagitan ng liwanag ng apoy na sumasaklaw sa kultura ng ng kabundukan at ipinapahayag sa pamamagitan ng silweta at simbolo ng Cordilleran,”
Ang ‘Kuwento ng Parol’ ay nagpapatuloy sa kahabaan ng Session Road na may mga palamuti na naglalarawan ng pinaghalong kultura ng highland at mga tradisyon sa mababang lupain,”
Ang Kwento ay nagtapos sa lugar ng Christmas Tree sa tuktok ng Session Road kung saan ang landscaping nito ay sumisimbolo sa paglago ng Baguio sa gitna ng pandemya na may Cordilleran Belen na naglalarawan sa pangunahing dahilan ng Season—ang kapanganakan ni Kristo.
“Ang mga brilyante na maliliit na parol sa Christmas tree ay kumakatawan sa liwanag at pag-asa ng bawat tao sa lungsod at ang iba’t ibang kulay ay sumisimbolo sa iba’t ibang paraan nito sa pagharap sa dilim at pandemya,”
“Sa tuktok ng puno ay hango sa mandala na isang bituin na kung saan ang mandala ay isang sining na anyo ng pagpapagaling at kumakatawan sa layunin ng ating lungsod bilang isang komunidad na gumaling at makabawi na ang bawat isa sa atin,”
Samantala, hindi nagkulang at patuloy na pinaalalahanan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang mga turista at residente na sundin ang ipinag-uutos na minimum na protocol sa kalusugan dahil sa patuloy na COVID-19 pandemic.
“Huwag tayong maging pabaya, walang ingat, at maging responsable hindi lamang sa ating sarili kundi sa ating pamilya rin. Gawin nating ligtas ang Pasko ng Baguio, ligtas sa pandemya, ligtas sa sobrang abuso sa katawan, ligtas sa anumang panganib na dulot ng walang katapusang kasiyahan,” sabi ni Magalong.
Matapos nagbigay ng mensahe sina Baguio City Congressman Mark Go, Mayor Magalong at Vice-Mayor Faustino Olowan ay sabay nila pinindot ang button para sa pag-ilaw ng Christmas tree kasama ang city council at sinaksihan ng daan-daang tao na ginanap noong ika-1 ng Disyembre 2021. Photos by: Mario Oclaman / FNS