AASENSO Partylist nagdeklara ng buong suporta kay BBM sa pagka-Presidente

AASENSO Partylist  nagdeklara ng buong suporta kay BBM sa pagka-Presidente

BAGUIO CITY – Pormal ng idineklara ni AASENSO Partylist Chairman at GRACE Guardians Founding Chairman ATTY. ISAGANI INFSGF “GANY” R. NEREZ ang buong suporta nito kay Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagka-presidente sa darating na 2022 Presidential election, kabilang rin  dito na tinangkilik ang suporta kay  President Rodrigo Duterte’s Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador “Sal” Panelo para sa Senado at buong pagmamalaki rin na ipinakilala ang nominees ng AASENSO Partylist na dinaluhan nina Atty. Mark Tolentino at Atty. Michael Remington Nerez ang iba pang nominees ay sina Edgardo Gulle, Col. Rolando NF SGF “Jomag” Magno at Bishop Fernando Lee sa ginanap na pagtitipon ng ilang grupo na taga-suporta kay BBM na dinaluhan ng mahigit na 800 katao,  pinangunahan ng Bikers Brotherhood Movement, Taxi Group, Partidong Lakas ng Manggagawang Pilipino, AASESENSO at GRACE GUARDIANS Baguio-Benguet Chapter noong October 24 (Sunday) sa Purok 12, Irisan, Baguio City.  

Labis naman ang pasasalamat ni Panelo sa kanyang taga-suporta at ipinahayag niya ang layunin nitong mas makakatulong sa masa kung itutuloy nito ang kanyang paglilingkod sa pamamagitan na magkaroon ng tungkulin sa senado.  Mario Oclaman / FNS

Mario Oclaman