Halos kalahating siglo ng reporma sa lupa, nakakawalang gana na ipagdiwang – IMEE

Kinwestyon ni Senador Imee Marcos ang Department of Agrarian Reform (DAR) kung bakit tanging 33 scholarship grants lang ang inaprubahan nito gayong libo-libo ang mga batang benepisaryo ng land reform ang nag-apply.

β€œMas maraming nabigo kaysa natuwa, ngayon pa namang nagmahal ang edukasyon dahil sa pandemya,” ani Marcos, sa harap ng pagdiriwang ng  ika-49 taong paglunsad ng Presidential Decree 27 sa land reform program sa bansa.

Binigyang diin ni Marcos na nasa Php2.357 million lang ang nagastos para sa mga scholarhsip grant gayong nakatengga lang ang nasa Php800 million na pondo ng DAR sa kontrobersyal na PS-DBM (Procurement Service-Departmnt of Budget and Management), na ginagamit ng mga ahensya ng gobyerno para lumabas na ang mga di nagastos na pondo ay may nilaanang proyekto at para hindi ito maisoli sa national treasury.

“Kulang ang dedikasyon at paningin dito, nang ipagdamot ng DAR ang benepisyo para sa mga karapat-dapat na makinabang nito gayong nai-flag ng COA (Commission on Audit) na natutulog lang ang Php800 million na uniliquidated funds sa PS-DBM,” giit ni Marcos.

Para maresolbahan ang kakapusan, hinimok ni Marcos ang DAR na taasan ang pondo para sa scholarship grants sa ilalim ng panukalang badyet nito sa 2022, sabay banggit na sa kasalukuyan mas mababa pa sa 1% ng Php400 million na inilaan para sa kaparehong programa para sa mga coconut farmers o mga magniniyog.

Dagdag pa ni Marcos, mapapaganda pa ng DAR ang kanilang accomplishment record sa pamamahagi ng lupain sa mas maraming magsasaka kung ang mga lugar na hindi kasing problemado ng Bicol, Western Visayas at Eastern Visayas regions ay bigyan ng karagdagang atensyon.

“Tayo ang may pinakamahabang land reform program sa mundo! Bukod sa pagbibigay sa mga magsasaka ng mga lupaing kanilang binubungkal, ang edukasyon ng kanilang mga anak ang magbibigay sa kanila ng totoong layunin ng reporma sa lupa,” diin ni Marcos. ###

PRESS RELEASE