BAC, Paigtingin ang Pagtutulungan sa Pamayanan
LA TRINIDAD, Benguet – (June 30, 2021) – Pinangunahan ni City Councilor Vladimir Cayabas ang 3rd Regular Meeting ng Battalion Advisory Council na ginanap sa Jewel Igorot Building, Km. 4, La Trinidad noong June 25, 2021. Sa pakikipagugnayan kay LTCOL. Joshua Alejandro na mula sa Regional Mobile Force Battalion kasama ang ilang company commanders upang magbigay ng kanilang mga ulat sa kanilang nasasakupang probinsya sa rehiyon ng Cordillera.
Dinaluhan rin ito ng iba’t-ibang sektor mula sa academe, religious, LGU’s, NGO’s at business sector, nabigyan ng pagkakataon nagtanghal si Ms. Khristine Molitas kaugnay sa Bayanihan Cordillera na napapanahon na kailangan ngayon ng mga mamamayan at makarating sa mga liblib na lugar ang mga tulong habang patuloy ang pandemiya sa ating rehiyon.
Ayon kay LTCOL Alejandro, “Malaki ang maitutulong ng pamayanan na makisama rin sa amin mga programa at aktibidad sa pamamagitan na magbigay rin ang bawat sektor ng kanilang mga mungkahi at ideya para sa ikabubuti ng mamamayan at ng ating bayan, huwag sana kayo matakot o mahiya na lumapit sa amin kung minsan ay nakikita niyo kami sa inyong lugar dahil nais namin kayo ay nasa ligtas at ang hangad namin ay ma protektahan namin kayo,” Ang aking mga Company Commanders na galing pa sa mga malalayong probinsiya ay patuloy ang kanilang pakikipag ugnayan ng mabuti sa mga tao upang maiwasan ang anumang kaguluhan,”
Sinabi naman ni BAC Chairperson Vladimir Cayabas, “Naniniwala ako na ang bawat isa sa atin ay may magagawa na mapabuti ang ating pamayanan, to stop counter-insurgency through a community based approach, sa mga kasamahan natin na Battalion commanders na nagsasakripisyo sa kanilang tungkulin bilang tagapamayapa ay hindi rin natin alam minsan kung ano ang mga nakakasagupa nila, hindi kaguluhan ang nais natin kundi hangad natin na makagawa rin tayo ng mga programa para ang mga tao ay ma-appreciate rin ang ginagawa ng mga PNP,”
Pinangasiwaan ni BAC Chairperson Cayabas ang panunumpa ng bagong miyembro ng BAC matapos ang isinagawang orientation sa kanila. Mario Oclaman / FNS