STATEMENT OF SENATOR RISA HONTIVEROS ON THREATS AGAINST UNVACCINATED FILIPINOS
MANILA β (June 22, 2021) – Imbes na pawiin ang pangamba ng ating mga kababayan, ginatungan pa ng pananakot ang mga agam-agam sa pagpapabakuna.
Sa halip na sagutin at tugunan ang kanilang katanungan at pangangailangan, at kumbinsihin sa kahalagahan ng pagpapabakuna para sa sariling kaligtasan, nauwi na naman sa pagbabanta.
Lagpas isang taon na tayong nasa ilalim ng state of national emergency. May resources naman ang administrasyon na pataasin at palakasin ang kumpiyansa ng taumbayan para sa isang ligtas, mabisa at epektibong bakuna. Pero hindi ito nagawa.
Hindi kailangang takutin ang taumbayan kung mayΒ sapat at tuloy tuloy na supply ng bakunang ligtas, mabisa at angkop sa kanilang kondisyon; credible na health information and education sa mga komunidad; at maayos na sistema sa pagpapabakuna. Tanggalin na mga pang-araw araw na balakid para sa pagpapabakuna. ###