VOICE OF THE MULTI-SECTORAL GROUP…” NO TO GAMBLING, NO TO RCC GLOBAL ENTERTAINMENT”
BAGUIO CITY – (June 5, 2021) – Mariing nagpahayag ng samut-saring pananaw ang ilang multi-sectoral at religious group na naglabas ng kanilang mga saloobin at may mga dalang dokumento at position papers na nagpapatotoo para sa pagtutol ng di umano’y pag operate ng Electronic Bingo sa dalawang naturang malls dito sa lungsod ng Baguio.
Ginanap ang Public consultation sa Baguio Convention Center noong June 4, 2021.
Dinaluhan ng member ng city council sa pangunguna ni Vice-Mayor Faustino Olowan.
Bago ang pagdinig sa mga speakers ay nabigyan muna ng pagkakataon magsalita si Vice Mayor Olowan na kung saan ay humingi ng paumanhin ito sa mga participants ng public consultation na kung ang city council ay nagpasa ng ilang mga batas na maaaring makasakit sa kanila at ang mga lokal na mambabatas ay magpapatuloy na matiyak ang pagsasabatas ng mga ordinansa at resolusyon na para sa benepisyo ng mga residente sa lungsod.
PAGTANGGING PAGPIRMA NG ALKALDE SA RESOLUSYON
Naunang tumanggi si Mayor Magalong na pirmahan ang dalawang resolusyon na naaprubahan ng city council na pinapayagan ang pagpapatakbo ng mga electronic at tradisyonal na bingo outlet sa lungsod sapagkat ang industriya o ang aktibidad na likas na katangian ay nag-aatas ng pagsasagawa ng mga pampublikong konsultasyon upang matiyak kung ano ang tunay na damdamin ng mga tao sa kontrobersyal na usapin.
Gayunpaman, sinabi ni Magalong na hindi muna siya magbibigay ng desisyon sa bagay na ito dahil hihintayin niya matapos ang desisyon ng konseho.
“I’m sure that city council will listen to the voice of the people and really glad also that city council heed my call to hold a consultation meeting, a public hearing, para malaman natin kung ano talaga ang gusto ng tao and observing what is happening and the manifestation of all these speakers, makikita niyo na kung ano ang talagang sentimiyento, “huwag na, huwag na”
HINDI PAGHARAP NG NAG-APPLY, INSULTO SA AMIN
Isa pa nakakainsulto naman din na yun mismong tao na nag-apply, siya mismo ang wala, at nagpadala lang ng representative, nakakainsulto… samantala tayo nariyan, city council pati nga yun mga pumirma nariyan sila para humarap, kami nandun din para pag-usapan, e yun mismo nag-aaply wala, saan ka naman makakita ng ganun, nababastusan naman kami so, let us wait kung ano magiging desisyon ng city council, pero very optimistic ako na the city council will also say no to a gambling, may mga nauna ng naaprobahan na apat na bingo operations, these are the legitimate activities, businesses so, for the meantime ito lang muna dalawang pina open na pinag uusapan natin, kasi kelangan rin natin yun support ng ating PAGCOR pagdating sa social services at dun din nila kinukuha, nakakatulong din naman kahit papano, pero yun maglalagay ka pa ng additional e, sobra sobra na,” pagtatapos ni Magalong Mario D. Oclaman / FNS