WE ARE READY…

WE ARE READY…

Handa na ang grupo ng “Ayat Ti Kabsat Wright Park Taeboers Indigent Community Pantry in partnership with Rizal Elementary School sa gaganapin Community Pantry for Indigents bukas May 15, araw ng Sabado @8:30am -10:30am sa Rizal Elementary School.

Bago sila nagsagawa ng ganitong programa ang community pantry ay nagpulong ang grupo ng mga Taeboers at kanilang napagkaisahan na maghanap ng mga totoong naghihirap na pamilya, ginalugad nila ang 11 na barangay na kalapit barangay ng Gibraltar at matapos nila makakuha ng identified indigent ng bawat isa sa grupo ay nakabuo sila ng 112 na indigent na mismo sa tahanan ni Ma’am Grace Mayos na isinagawa ang pagre-repack.

Sa panayam ng Filipino News Sentinel kay Ma’am Grace Mayos, “Bilang programa ng amin samahan ang, Ayat Ti Kabsat Wright Park Taeboers ay naisipan namin makatulong sa mga kababayan natin na kalapit barangay nakita namin na marami talagang hikaos sa buhay, kaya ito ang napagkasunduan ng grupo na maghanap kami ng mga totoong mahihirap para isagawa ang Community pantry for indigent at ng makabuo kami ng 112 indigent ay sinubukan namin humingi ng tulong sa ilang kaibigan na malapit sa amin at may ilang city officials rin ang kusang nag-ambang ng tulong na sina Vice-mayor Faustino Olowan, Ma”am Soledad Go, Ma’am Naty Bagbagen at iba pang mga kasamahan rin sa Taeboers,”

“Mga pangunahin pagkain ang maipapamahagi sa mga identified indigent tulad ng 7kls bigas, noodles, asin, mantika, soy, suka, tuyo. Itlog at sa gulay naman ay patatas, reployo carrots, talong, sitaw, bawang, kamatis at sibuyas at marami pang iba,”

“Maganda ang samahan ng Taeboers may unity na nagtutulungan kasi kung may nangangailangan hindi sila hesitant na tumulong, kaya nagulat kami ng biglang dating na maraming cavan na bigas, kaya naisipan namin na 7kilos na bigas sa bawat isa na mabibigyan ng food pack,”

“Magaan sa aming kalooban na may natutulungan tayong mga kababayan natin na totoong naghihirap at tumatanaw rin kami ng malaking pasasalamat na bukal sa kanilang puso ang tumulong at ipinagkatiwala sa amin ang gampanin na ito para maiparating ito sa mga taong mahihirap,” pagtatapos ni Mayos.   Mario Oclaman / Photos by: Louie Oclaman /FNS

admin