51 SPES STUDENT GRANTEES WORKING IN VARIOUS CITY GOVERNMENT OFFICES
Pinangasiwaan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang panunumpa sa unang batch ng 2021 Special Program for the Employment of Student (SPES)
Ang 51 na working students ay nagsimula ng kanilang trabaho noong Abril 19 at magtatapos sa Mayo 24, sa iba’t ibang mga tanggapan ng gobyerno ng lungsod, mga pambansang ahensya at korte.
Itinalaga bilang Administrative Aides, ang mga mag-aaral ay makakatanggap ng P525.05 kada araw na sahod, na may 40% ng halagang inilaan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at 60% mula sa local government unit.
Dahil sa pandemik ng Covid-19 na nagsimula noong nakaraang taon, ang programang 2020 SPES na may halos 400 na naaprubahang aplikasyon ng mag-aaral ay nai-move ngayon 2021. Ang programang SPES ngayong taon ay nakikinabang sa halos 300 na mag-aaral.
Ang SPES ay isang programa na tulay para makapagbigay ng pansamantalang trabaho at karanasan sa mga karapat-dapat na mag-aaral sa panahon ng bakasyon. Ito ay isang pamamaraan para mabigyan ng karagdagang kita na pangtustos ng mga mag-aaral.
Ang programa ay umaayon sa 15-point agenda ni Mayor Magalong na kinabibilangan ng pagbibigay lakas sa kabataan, mga programang tumutugon sa edukasyon, at, pinalawak na serbisyong pangkalusugan at panlipunan. Mario Oclaman / FNS