VIOLATION OF FAILURE TO USE SEAT BELT DEVICES
Paalaala sa mga driver na pampasaherong PUV’s lalo na sa mga pasaherong sumasakay sa harap, ay ugaliin natin gamitin isuot ang seat belt ganun rin ang maayos na pagsuot ng face shield /face mask.
Malungkot at masama ang loob ng isang driver na aking nakapanayam, na kung saan ay unang pasada pa lang niya noong Lunes ng umaga (April 19, 2021) ay di niya inaasahan na matitiketan siya ng LTO personnel na naka puwesto sa Governor Pack Road, Baguio City.
Halos maluha at manghina ito ng malaman na ang violation nito ay Failure to use seat belt device ng isang pasahero sa harap at ang masaklap pa nito ay P3,000 ang penalty na ayon sa batas na ang Republic Act No. 8750.
“AN ACT REQUIRING THE MANDATORY COMPLIANCE BY MOTORISTS OF PRIVATE AND PUBLIC VEHICLES TO USE SEAT BELT DEVICES, AND REQUIRING VEHICLE MANUFACTURERS TO INSTALL SEAT BELT DEVICES IN ALL THEIR MANUFACTURED VEHICLES”
Nakasaad naman sa Section 12. Penalties and Fines
(b) “Public utility vehicles shall post appropriate signages instructing front seat passengers to wear seat belts when inside the vehicle. Non-compliance hereof will hold both the driver and the operator liable and shall be fined a minimum of Three hundred pesos (P300) but not to exceed Three thousand pesos (P3,000) for every violation;”
Ayon sa driver,“Namumrublema ako ngayon kung paano ko mababayaran at matutubos ang aking lisensiya lalo na’t hindi regular ang aking pamamasada at imbes na yun maliit na ipon ko ay para sa makakain na lang ng aking pamilya,” ani Emeterio
Si Emeterio Abad ay isang driver ng pampasaherong jeepney na biyaheng Campo Sioco. Mario Oclaman / FNS