P300-M modernong zoo sa Baguio Botanical, sasagutin ng Avilon
BAGUIO CITY – (March 30, 2021) – Matapos ginawa ang pagpa-survey ng dalawang ektaryang lupain sa Baguio Botanical na gagamitin para sa modernong zoo ng Avilon Wildlife Conservation Foundation na pinanguluhan ni Joaquin Gaw, ay isinumite ito kay City Administrator Bonifacio dela Peña at ipinasa na rin sa City Environment and Parks Management Office (CEPMO) for validation.
Sinusuri ng pamahalaang lungsod dito ang isang panukalang pampubliko-pribadong pakikipagsosyo upang bumuo ng isang zoo upang mapataas ang turismo habang nagtataguyod ng biodiversity.
Nakapanayam ng ilang mamamahayag si Dr. Ed Beltran, Avilon Head Consultant kasama ang kanyang Avilon Assistant na si Carlos Meneses na umaasang magkaroon ng katuparan ang kanilang iminungkahing proyekto ng Avilon Wildlife Conservation Foundation.
“We’ve been very glad, for given the opportunity really na makatulong tayo not only for the city of Baguio pero para maipaalam natin sa lahat na ang proyekto ng Avilon Zoo ay napakaganda.
“We started in 2019 wala pa ako dito, si Avilon president Joaquin Gaw ang orihinal na nag mungkahi na makapagpatayo ng zoological zoo dito sa Baguio but, unfortunately walang nangyari noong 2019, and in the middle ng bago bumaba si Former mayor Mauricio Domogan, I’m glad na nabigyan ng atensyon itong Avilon,”
“Ang main objective ng Avilon Zoo, sapagkat sa ibang lugar sa Amazon pinapatay na ang mga animals, nawawala na ang mga importanteng species na mga animals, manmade at natural cause mga ito,”
“Sa pagmimintina ng zoo ay kailangan na mapanatili natin mai-preserve ito, sa pamamagitan ng pag-aalaga ng vet, may health and nutrition like wellness guidelines, its high time na ilagay naman natin dito na counterpart ang siyudad natin para naman makausad ang ekonomiya natin at ang turismo sa Baguio,”
“Right now, we have at Montalban Rizal ang Avilon Wildlife ay 20 years na itong nag-operate at ang presidente ng Avilon ay member at president ng Philippines Zoo Association at ganun rin sa Southeast Asian Zoo Association”
“Way back in 1950’s may zoo na tayo dito sa Baguio, hindi lang na maintain ito sa Botanical Garden dahil hindi nakayanan sustinahin ng gobyerno ang lahat ng kailangan ng mga animals kaya natigil ito noong taong 1960’s.”
“Right now, we are reviving the zoo, the revival of the zoo is very vital and very important, because talk about just business, we talk about how to boost the economy of our city at the same time, sapagkat sa panahon ng pandemiya paano naman tayo uusad?, and this is very educational for our young children, rather than going down sa ibang lugar for a field trip, narito na ang zoo natin na pwede natin ipakita at ma educate natin ang young ones,”
“What is importance of nature, it goes together, narito na lahat sa Botanical ang plants and animals na makakatulong magkaron ng kaalaman ang mga estudyante,”
“I will also assure the Welfare Association na maaalagaan sila ng tama sapagkat sa pagtatayo ng zoo kailangan mayron tayong Animal Hospital, Veterinary hospital to attend sa mga pangangailangan ng ating mga animals so, it’s a modern zoo, ang mga animals ay hindi naka cage, maganda ang facility nila they can move well at matutugunan ang mga pangangailangan nila,”
“When we say Botanical Garden dahil tailored made yan na inilaan ng government natin na maging zoological park ito, it’s time na i-revive natin.
“I will assure na walang mapuputol na puno dahil nature lover kami, maka-kalikasan tayo, maging ang mga dumi, we will make sure we can maintain ang kagandahan ng Botanical,”
“Ang gobyerno ay walang gagastusin kahit singko, we call it People, Public, Private Partnership Project wherein lahat ng cost sa amin yan, itatayo natin ang modern zoo at hindi natin titipirin, it should be strong structural ito.
“We were given at least two hectares from the 3 hectares mahigit, lately nag-usap kami ni city administrator na chairman ng P4 Engineer Boni dela Peña, maraming salamat sa pagtulong sa amin at ganun rin sa mahal nating mayor Benjamin Magalong and to our good vice-mayor Faustino Olowan and the city council for really trying na makita nila na maganda yun hangarin natin para sa Baguio.
“Kapag ang facility ay maganda this can generate really good income for Baguio; Una walang gastos ang city, pangalawa very educational ito it will boost really the tourism for Baguio aangat ang ekonomiya natin, we can give also more jobs sa mga nangangailangan natin mga kababayan natin sa siyudad,”
“Bantayan niyo ang mga gawain namin para malaman niyo na totoo ang mga sinasabi naming, kung hindi natin sisimulan ito at hindi pa nakikita natural wala tayo masasabi diyan, para sa amin it may to be sin, pag nakita niyo maganda ang patakaran, maganda ang ginagawa natin dito, Im sure wala ng mga comments,”
“So rest assured, na ang people project na ito ay makakapag generate ng magandang ekonomiya para sa siyudad ng Baguio,”
“Our budget is around P300 milyon plus for the modern zoo, kung kinakailangan dagdagan hindi kami nagtitipid, yan ang pamantayan ng Avilon Wildlife through our president Joaquin Gaw,”
“In fact, hindi biro na magtayo tayo ng ganitong modern zoo its say cash on and advocacy of the president and yours truly na magawa natin ito at ipakita sa buong mundo na we are moving forward,”
“Ang napag-usapan sa P4 committee and the city council is 25 years and if wondering you after 25 years we will be very grateful dahil dito na natin makikita kung maganda ba ang gagawin natin sa zoo, mami-maintain ba natin ito, so that will be the basis pag nakita niyo na di kaya, they can remove us, at kung nakita naman nila maganda at tayo ay tapat at maganda hangarin natin then I’m sure, magtutuloy-tuloy ito,”
“Ang Baguio Botanical Garden ay 11 hectares yan, para sa amin ay we were recommended lang at least 2 hectares for the modern zoo, sinabi rin namin sa city na we will maintain the entire 11 hectares, tutulong tayo para ma maintain ang kagandahan ng lugar, yan ang isang factor na gagawin ng Avilon Wildlife,” paglalahad ni Beltran
Ayon naman kay Mayor Magalong, “ongoing pa ang evaluation ng Avilon proposal, kailangan ang completeness ng document, to follow yun P4 ordinance, pag kumpleto na ang mga document, that is the time for evaluate the track record and operational qualification, legal qualification and financial qualification, about sa proposed site naman sa Botanical ay kailangan nasa People committee na yan, I want that to be independent, usually meron ng mga defined na mga membership yan pero just to promote transparency mag iimbita pa tayo ng representative from the other sectors,” ani Magalong. FNS / Mario Oclaman